Nagtagumpay ang mga estudyante ng Puerto Princesa City National Science High School (PPCNSHS) bilang kampeon sa ika-29 Palawan Geographic Society GeoBee na ginanap noong Nobyembre 6 bilang bahagi ng Subaraw Biodiversity Festival 2024. Nakamit ng PPCNSHS ang unang pwesto sa nasabing patimpalak at nakapag-uwi ng premyong ₱15,000.00.
Nilahukan ng 52 paaralan sa buong lalawigan ng Palawan ang taunang GeoBee na layuning paigtingin ang kaalaman sa kalikasan at kasaysayan ng Palawan, pati na rin ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman ng lalawigan.
Samantala, nakamit ng Palawan National School (PNS) ang 1st runner-up na may premyong ₱12,000, habang ang San Rafael National High School ay nagtamo ng 2nd runner-up na may ₱10,000 na gantimpala.
Discussion about this post