Patay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Brooke’s Point matapos na mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Maasin, 2:30 ng madaling araw ng June 22, 2021.
Kinilala ang biktima na si Police Corporal Romel Y. Pablico, 33 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan. Ito ay naka-assign sa 1st PMFC Sofronio Española.
Batay sa spot report ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS), 3:00 ng madaling araw kanina nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa Kapitan ng Brgy. Maasin na mayroong nangyaring aksidente sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pauwi na sana sa kanyang tahanan si Pablico nang mabangga ang motorsiklo nito sa steel barrier na walang reflector sign sa under construction na tulay. Dinala pa umano ito sa Southern Palawan Provincial Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.
Discussion about this post