Matagumpay naisagawa noong ika-23 ng Hulyo, Pinangunahan ng 2nd Palawan PMFC R-PSB/RCSP team sa pangunguna ni PSSg Leomer B Llamera, Team Leader, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Mhardie R. Azares, Force Commander, sa pakikipagtulungan ng Roxas Karate-Do Club at mga Opisyal ng Barangay ng Tumarbong sa pangunguna ni Hon. Dante P. Delos Reyes, Chairman, ang isang 1-Araw na Pagsasanay ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) para sa mga tanod, barangay health worker, at purok leaders ng nasabing barangay.
Nagsimula ang aktibidad sa isang seremonya ng pagbubukas na sinundan ng BPAT orientation at mga lecture tungkol sa Basic Patrol Operation; Disaster Relief and Rescue Operation; First Responders and Crime Scene Prevention; Arrest and Disarming Technique.
Layon nito ang pagpapatupad ng 3-Day Retooled Community Support Program (RCSP) at PNP Kasimbayanan Program upang palakasin ang kooperasyon at pakikilahok ng komunidad at tiwala upang makamit ang tagumpay laban sa krimen, terorismo, at rebelyon.
Discussion about this post