Maniningil na sa mga konsumidor ang San Vicente Water Works (SVWW) simula ngayong buwan ng Enero.
Ito ang bagong inaprubahang Water Rates batay sa inilabas na Municipal Ordinance No. 1, series of 2023 o ang “New Water Rate Schedule Ordinance of 2023” sa bayan ng San Vicente.
Nakasaad sa naturang ordinansa na libre ang tubig para sa mga residential consumer na may mababang konsumo na limang (5) metro kubiko o mas mababa.
Mahigit isang taon nang walang bayad o libre ang nakukunsumong tubig ng water consumers ng San Vicente simula nang maaprubahan ang Municipal Ordinance No. 21, series of 2021 o ang “Free Water Services for All while on Pandemic Ordinance of 2021” upang makatulong na maibsan ang alalahaning pinansiyal ng mga residente habang may pandemya.
Batay sa bagong water rates, ang minimum na kunsumo para sa residential connection ay 6-10 kubiko na may presyong na P100 habang P300 naman ang minimum rate ng mga komersyal na establisemento.
Samantala ang pagbabalik ng singil ng tubig ay makakatulong upang mapundohan ang mga plano at programa ng SVWW para sa mga expansion at maintenance operation nito sa susunod na mga taon.
Sa kanilang nakapost na Public Advisory na may petsang January 13, 2023
“This is to inform the Public that starting January 2023, your water consumption shall be billed. You shall start receiving your monthly water bills this coming February 2023 and onwards. Ordinance No. 21 series of 2021 also known as the “Free Water Services for All while on Pandemic Ordinance 2021” is no longer in effect. The declaration of the State of Calamity due to COVID-19 throughout the Philippines expired last December 31, 2022 thereby ceasing the effectivity of the said Municipal Ordinance as stated in Section 5 thereof.
For more information and other concerns, you may reach us through our hotline numbers: 0950 957 9618 and (048)433-6091 or email us at meedo@sanvicentepalawan.gov.ph.”
Discussion about this post