Nakatakdang ipatawag ng Sangguniang Panlalawigan ang mga kinatawan ng Palawan Provincial Inter-Agency Task Force for Covid-19 hinggil sa vaccination program ng pamahalaang panlalawigan matapos itong hilingin ni Second District Board Member Modesto Rodriguez kahapon, Pebrero 2, sa regular na sesyon ng SP.
Ayon kay BM Rodriguez, dapat ipaliwanag ang vaccination program ng pamahalaan at ang magiging epekto ng bakuna.
“Tenged sa babarita nanda may mga iba apapatay, aga karun y ang kumplikasyon, siguro dapat makuwan tara dia agud ang mga tao hindi adlukan” saad niya.
Aniya, para makumbinsi ang mga mamamayan na magpabakuna ay mayroong nagmungkahi na unahing bakunahan silang mga bokal subalit sinabi niya umano na maging siya nga ay hindi pa rin nauunawaan ang epekto ng bakuna na gagamitin laban sa COVID-19.
Una rito ay nag-privilege speech si Second District Board Member Sharon Abiog-Onda kung saan sinabi niya na batay sa kaniyang narinig na balita ay wala pang vaccination plan ang lalawigan ng palawan subalit kung sakaling mayroon na o nasa proseso na ang ginagawang vaccination plan ng pamahalaang lalawigan ay dapat na mabigyan rin ng impormasyon ang SP.
“If they have already or in the process of coming up with the vaccination plan for the residents, or the constituents of the province, may they please also update the Sangguniang Panlalawigan of the current status of what is being undertaken by the Provincial Health Office, that is for the safety, for health status, health concerned of not just the employees of the this provincial capitol but the entire constituency of the province of
Palawan” saad pa ni BM Onda sa kaniyang previlege speech.
Nais rin ni BM Onda na ipaliwanag ng PHO ang bisa, galing at kung anong klaseng bakuna ang nararapat sa bawat age group.
Kasabay nito ay pinaalalahanan naman ni BM Onda ang mga responsable sa vaccination program ng pamahalaang panlalawigan na magbigay ng official information sa media para malaman ng mga mamamayan ng Palawan ang program.
Samantala, kinumpirma naman ni Board Member Leoncio N. Ola na kumpleto na ang vaccination program ng lalawigan at ipinakita pa umano ni Gobernador Jose Alvarez sa kaniya ang libro kung saan nakapaloob ang plano ng probinsiya kabilang na ang mga impormasyong kung ilang bakuna ang kailangan, edad ng mga babakunahan at kung sino ang uunahin.
Sa katunayan, nakausap na umano ni Gob Alvarez na si National Inter-Agency Task Force for COVID-19 at Vaccine Czar Carlito Galvez kung saan nangako umano ito na handang magbigay ng bakuna sa Palawan.
Matatandaang sinabi ng DILG-MIMAROPA kamakailan na tanging lalawigan na lamang ng Palawan ang hindi nakapagsumite sa kanila ng vaccination plan sa buong rehiyon.
Discussion about this post