Susubukang maihabol ng Sulong sa Pagbabago, Bangon Narra (SPBN) ang iba pang dokumentong kailangan para maihain ang recall petition sa ilang opisyal sa bayan ng Narra ngayong araw. Disyembre 23, ayon kay SPBN President Guillermo Aficial.
“Sinisikap namin…[ang] pagsecure ng PSA certification… Nag-usap kami kani-kanina lang na, through email, maaaring ipa-receive sa Comelec Officer [ang kulang na document] by the end of this day, hopefully,” Pahayag ni Aficial.
Aniya, kulang sila ng dukomentong kaugnay sa sertipikasyon ng mga botante sa Bayan ng Narra simula noong 2015.
“Hindi pa ‘yun na-update dahil sa may kakulangan pang dokumento [at ito] yung PSA. Yun yung certification certifying na ang registered voters sa Bayan ng Narra from 2015, ‘yun ‘yung record na dapat makuha,”dagdag na pahayag pa nito.
Nanindigan din ang kanilang grupo na magtatagumpay ang petisyon upang maisakatuparan ang recall election sa ilang opisyal sa bayan ng Narra kabilang na ang nanalong bise Alkalde na si Acting Mayor Crispin Lumba Jr.
“Para sa aming grupo, we are very confident na ito ay magmamaterialize. Dahil nga meron naman tayong policy sa National Government down sa Local [Government] na reglementary period na sinasabi na after 15 working days upon receive eh dapat matapos na yung kaukulang dokumento,” ani pa ni Aficial.
Samantala, nakalikom umano ang grupo ng 10, 495 signatures na sumasang-ayon sa recall petition na ipinaglalaban ng mga ito.
Discussion about this post