Inaresto ng mga pulis ang isang sundalo matapos maglabas ng baril sa isang painuman sa Bgy Poblacion, Munisipyo ng Taytay, Palawan ganap na 2:30 AM, November 11.
Nakilala ang arestado na si PFC Louie Nietes Geonanga, 27, binata, AFP member (Phil. Marines) with serial number 929517, at residente ng Brgy. Paglaum, Taytay, Palawan.
Batay sa spot report na nakuha ng Palawan Daily News, ang pangyayari ay naiulat sa Taytay Municipal Police Station ng mga tauhan ng 401st RMFB Mimaropa, Taytay,Palawan.
Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang mga nagrereklamong sina Raymond Delos Santos at Realia Dayap ay tumungo sa mga tauhan ng RMFB at humihingi ng police assistance dahil sa takot matapos bumunot ng baril ang suspek malapit sa Apple Pen Bar.
Nang dumating umano ang mga rumespondeng pulis at mapahinto sa kaniyang ginagawa ang suspek ay nakuha sa kaniya ang isang baril na caliber .45 Armscor pistol.
Kasunod nito ay binusisi ng mga pulis kung may dokumento ang baril subalit walang maipakita ang sundalo.
Sa ngayon ay nakapiit ang suspek sa Taytay MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms.
Discussion about this post