Inamin ni Acting Palawan Police Provincial Director na si Police Colonel Nicholas Torre III nang maglabas ito ng pahayag nitong Lunes, Disyembre 7, na posibleng masampahan na ng kaso ang suspek sa pagpatay kay Kapitan Roderick Aperocho ng Barangay Poblacion, Narra, Palawan, subalit sa panayam ng Palawan Daily News ay binanggit nito na naka depende sa pamilya ng biktima ang pagsasampa ng kaso.
“Gaya ng sinabi ko kahapon may suspek na tayo, meron na tayong statement. Ito lang po hindi natin mai-file ang kaso sa ngayon indifference with the family please direct your question to Mrs. Apperocho para sila na ang mag-explain bakit hindi nila mai-file ang kaso as of the moment. May mga developments po sa side na po ng pamilya but in the side of police now nakaprepare na ng statement, naka-prepare na ng kaso papirmahan nalang at i-file. Ang explanation naman po kung bakit sila (pamilya) o ang kaso na ito, hindi mai-file up-to-date ay indifference to the family, sila na lang po ang mag-explain sa inyo kung bakit,” Ani PCOL. Torre.
Kinumpirma rin ni PCOL. Torre na tukoy na nila ang isa sa suspek base narin sa pagsasalarawan ng mga nakakita sa pangyayari at nagawan ng sketch.
“Isa lang po may identity na…based on the description na binigay nung witnesses ay nagawan na po ng composite sketch. Naipakita na rin natin sa mga witnesses at na-identify na rin namin siya,” pahayag ni Torre.
Dagdag pa ng opisyal, dahil sa tagal na ng pangyayari ay possibleng maisampa ito as regular filling pero naka depende pa rin aniya sa pamilya.
“Dahil matagal na nangyari yung insidente wala na tayo sa hot for suit ifi-file na sana natin kahapon yung kaso through regular filing. Ang naging komplikasyon ay ang explanation po ay manggagaling na lang sa pamilya,” dagdag pa ni PCOL. Torre.
Samantala kung matatandaan alas 9 ng gabi noong November 5, 2020 ng pagbabarilin si Kapitan Aperocho sa mismong bakuran nito.
Discussion about this post