Agad na tumugon at matagumpay na nailigtas ng Coast Guard Station Southern Palawan sa tulong ng Coast Guard Sub-Station Buliluyan ang FBCA Monica na may 3 katao sa loob, na pawang mga residente ng Barangay Punta-Baja, Rizal, Palawan, sa karagatan malapit sa Sitio Katipunan, Barangay Tabud, Bataraza, Palawan, noong Hulyo 16.
Ayon sa salaysay ni Marjun Bustamante, 35-anyos na skipper ng FBCA, kasama sina Erwin Cataga, 30, at Melanjie Parcon, 22, matapos ang kanilang pangingisda at habang patungo na sana sa kanilang tahanan, nagkaroon ng problema ang kanilang makina (Shaft Disalignment) dahil sa malalakas na alon na dulot ng “Tropical Depression Dodong” sa karagatan malapit sa Sitio Katipunan, Barangay Tabud, Bataraza, Palawan.
Samantala, ligtas na naihatid sa kanilang lugar ang tatlong mangingisda.
Patuloy na magmomonitor ang Coast Guard Station Southern Palawan ng lahat ng pangyayari sa karagatan at paalalahanan ang lahat ng maliliit na Motorbanca na iwasan ang paglayag sa panahon ng masamang panahon.
Discussion about this post