Isinagawa ngayong araw ang Thanksgiving mass at Oath taking ng mga bagong halal na lingkod bayan ng Tatay na sina Mayor Norbert Lim, Vice Mayor Delma Edep, at iba pang kasapi ng Sangguniang Bayan, ayon ‘yan sa Facebook post ng newly elected 1st District Congresswoman na si Mommy Rose Salvame.
Pinangunahan nila Judge Analia Tiongzon Y Mendoza, Judge Emmanuel Artazo, Judge Paul Jagmis, at Judge Victor Esma ang oath taking kasama rin ang Kapamilya, Municipal Appointees and Employees, Barangay Officials sa mga nakiisa sa seremonya.
Nagpaabot din nang pagbati sa mga bagong opisyales ng Taytay si Salvame at pasasalamat sa lahat ng mga taong dumalo at nakisama sa pagdiriwang. Dagdag pa niya, hangad nila ang tagumpay na paglingkuran at magkaisa para sa mas maunlad at progresibong bagong bayan ng Taytay.