Arestado ang siyam (9) na indibidwal sa Barangay Poblacion sa Bayan ng Araceli dahil sa paglalaro ng tong-its.
Ang mga na-aresto ay kinilalang sina Jona Palay Lusano (45-anyos), Gerald Acosta Again (25-anyos), Virgeniata Tabong Agawin (55-anyos), Cris Agawin Tabang (18-anyos), Jose Abrina Acosta (49-anyos), Beverlyn Revillias Valdescuna (50-anyos), at si Mary Jane Acosta Pantinople (52-anyos), pawang mga residente ng bayan ng Araceli.
Ayon sa report ng Palawan Provincial Police Office, may isang concerned citizen na nag-report sa Araceli Municipal Police Station pasado 2:39 ng madaling araw, ika-28 ng Hulyo, na may nagsusugal daw sa nabanggit na lugar kaya naman ay agad itong pinuntahan ng Palawan Provincial Police Office.
Dagdag pa nito, pagdating sa lugar ay tumambad sa kanila ang siyam na katao na naglalaro ng tong-its, at agaran nila itong inaresto at kinumpiska ang mga baraha at mga taya.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling ang mga nahuli.
Discussion about this post