Turismo ang naging paksa sa ginanap na “Arampangan sa Kapitolyo” ngayong Martes, Pebrero 28, sa VJR hall ng kapitolyo kasama sina Governor Dennis M. Socrates, Provincial Information Officer (PIO) Atty. Christian Jay V. Cojamco, Provincial Tourism Officer (PTO) Maribel C. Buñi, Engr. John Gil Ynzon Waterworks Superintendent II ng Palawan Water, at dinaluhan ng mga mamamahayag sa probinsya.
Naitalang nasa 690,275 na mga turista ang bumisita sa lalawigan mula noong Enero hanggang Disyembre 2022 batay sa datos ng Department of Tourism (DOT)- Tourism Live-Inventory and Statistics of Tourist Arrivals o TOURLISTA noong Enero 9, 2023. Ito ay binubuo ng 533,318 domestic o lokal na mga turista at 40,592 na mga foreign o banyagang turista. Ang kabuoang bilang ng mga turista ay tumaas ng 964% kumpara noong 2021 na mayroon lamang 64,901 na tourist arrival o katumbas ng -79.60%.
Ayon kay Buñi, mula 2020, ang lalawigan ng Palawan ay naging sarado dahil sa COVID-19 pandemic at bahagyang bumagsak ang industriya ng turismo ngunit bumawi naman sa taong 2022.
” In 2020, March 2023 na ngayon so marami sa atin ang nakakaalala kung ano ang nangyari noong March 2020. Nagsara ang boarders, walang turistang dumating, walang travelers which is equals to kawalan din ng kita ng mga taong nagtratrabaho sa industriya sa larangan ng turismo at pagkawala ng income ng mga dumidepende sa industriya ng turismo”,
Dagdag pa nito, noong 2022 naman ay bumawi ang Palawan kung saan nakapagtala ng mahigit 800,000 ang probinsya.
“Ngayong February 27, ang status po natin ay nasa 788,000 na so 70% nito halos 77% actually ay may kabuoang 610,000 ay domestic tourist at ang natitira po ay ang foreign tourist. Kung ikukumpara po natin noong 2021 recorded lamang po natin ay 63,000 so 2021, in 2022, 788,000.”
Aniya noong 2020, meron naman naitala na 340,000 ngunit ang mga ito ay mga turistang naiwan na at naabutan na ng pandemic at hindi na nakaalis.
Samantala, noong 2019 naman ay nakapagtala ang Provincial Tourism Office ng 1.9 milyon turista batay sa kanilang data.
Karamihan sa mga pumupunta na mga turista ay mga domestic o Pilipino na nagbibigay sigla sa industritya.
“Nakakatuwang isipin na dumarating ang turista so domestic po meaning mga kapwa nating Pilipino ang karamihan na nagbibigay sigla at nagbibigay empleyo din sa ating mga kababayan,” ani Buñi.
Kaugnay sa paksa, noong 2020 ay nakapagtala ang PTO ng bilang ng mga apektadong manggagawa sa linya ng turismo at inabot ito ng halos 29,000 direktang manggagawa, kasama na rito ang lungsod ng Puerto Princesa.
Sa ngayon ay unti- unti ng nakakarekober ang industriya ng turismo sa Palawan.
Discussion about this post