Dumadami ang bilang ng vehicular accidents sa bayan ng Narra, Palawan, ito ang inamin ni Police Major Romerico Remo sa Palawan Daily News.
Aniya, tinatayang 10 na aksidente sa kalsada ang nangyayari sa loob ng isang linggo na kung minsan ay may binabawian pa ng buhay.
“Almost 10 vehicular accidents in a week. Yung iba dyan medyo malala pa dyan physical injury minsan may mga homicide pa,” pahayag ni PMAJ Remo.
Bukod umano sa malawak na ang kalsada sa bayan ng Narra dagdag pa dito ang ilang mga naka-inum o lasing na nagmamaneho ng sasakyan na kung saan kadalasan mas mataas ang insidente nito tuwing araw ng Biyernes hanggang Linggo.
“Ang tumataas po na insidente dito vehicular incident, napakalawak kasi ng ating kalsada-minsan napag-aaralan natin tumataas po ang vehicular from Friday until Sunday, so tinitingnan natin medyo nakainom ang mga involve sa vehicular,” dagdag pa ni Remo.
Samantala lagi umano paalala ng Narra Municipal Police Station sa mga motorista na ibayong pag-iingat lalo na ngayong panahon ng tag-ulan dahil sa madulas ang kalsada.
Discussion about this post