Naaresto na ng mga otoridad ang isang negosyante na pinaghahanap ng batas dahil sa kasong Falsification of Public Document.
Kinilala ang suspek na si Ofelia Belaro, 53 anyos, may asawa, at residente ng Purok Mahogany, Brgy. Magbabadil, Aborlan, Palawan.
Sa spot report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), dakong 3:20 pm kahapon ay dinakip ang nabanggit na indibidwal sa nasabing address ng pinagsanib na pwersa ng Aborlan Municipal Police Station (MPS) at 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG) Quezon Special Boat Unit (SBU), sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ni Judge Norferio B. Nono ng Municipal Trial Court-Aborlan na may petsang Oct. 22, 2020.
Inirekomenda naman ng korte ang ₱36,000 na piyansa para sa two counts ng nasabing kaso para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa ibinigay namang update ng Aborlan PNP kahapon ay agad ding nakapaghain ng piyansa ang nasabing negosyante.
Discussion about this post