Sa ginanap na regular session kahapon ika-22 ng Nobyembre sa 44th Sangguniang Panlalawigan nais na magpasa ng resolution si Board Member Antonio Alvarez na humihiling sa Department of Foreign Affairs na magpasa muli ng diplomatic protest laban sa bansang China dahil sa patuloy na panghaharass ng China Coast Guard nito sa mga Pinoy sa West Philippine Sea.
Aniya walang karapatan ang China na i-harass ang mga Pinoy sa West Philippine Sea. Matatandaan naglabas ng press release ang Western Command kaugnay sa insidente sa Pag-asa Island, kung saan hinarang umano ng Chinese Coast Guard ang Naval Station Emilio Liwanag ng Philippine Navy habang hila-hila ang nakitang debris sa Pag-asa Island ay sapilitan na kinuha ng China Coast Guard ang debris na kanila rin naman pag-aari.
” Ito ay dagdag na naman sa mga kaso ng China doon sa mga kasamahan natin sa West Philippine Sea marami nang report at tuloy tuloy ang harassment na hindi tumitigil at hindi gumagana mga protesta natin sa bansa China,” saad ng Bokal.
Dagdag pa ng Bokal, walang karapatan ang bandang China na iharass ang mga Pinoy sa West Philippine Sea at lalo lalong na hindi nila teretoryo o lugar ang WPS.
Hiling nito na magpasa ng resolution sa Department of Foreign Affairs (DFA), na magpasa ng diplomatic protest muli at ilagay lahat ng report ng incident ng pang haharass ng mga China Coast Guard sa mga Pinoy sa West Philippine Sea.
Discussion about this post