Muli na naman nakarekober ng mga kagamitan sa isinagawang focused military operations ng Joint Task Force Peacock sa pangunguna ni BGEN JIMMY D. LARIDA kasama ang Joint Task Group-North/Marine Battalion Landing Team-3, Joint Intelligence Task Units-North at nagresulta sa pagkadiskubre ng mga kagamitan ng makakaliwang grupo sa Brgy Tinitian, Roxas, at Brgy Langogan, Puerto Princesa City, Palawan nitong Enero 19 at 22.
Nakompiska sa Sitio Karatong Brgy. Tinitian ang mga sumusunod:
(5) Improvised Hand Grenade;
(1) Improvised Claymore Mine
(1) Improvised Anti-personnel Mine;
(1) Anti-personnel Mine Switch;
(1) Rifle Grenade;
(1) round-Cartridge, 40mm HE;
(413) rounds-Ctg, 5.56mm Ball;
(193) rounds- Cartridge, 7.62mm Ball;
(68) rounds-Cartridge, Cal 45. Ball;
(17) M16 Short Magazine;
(1) M16 Long Magazine;
(1) Improvised M16 Long Magazine;
(1) M14 Long Magazine;
(1) Bandolier;
(1) 45 Cal. Holster;
(9) CNT Mao Caps.
Sa patuloy na ginagawang focused military operations ay muling nakakuha ang kasundaluhan sa Sitio Tinistisan Brgy. Langogan ng iba’t ibang kagamitan tulad ng:
(3) Improvised Hand Grenades;
(176) rounds – Ctg, 5.56mm Ball;
(2) rounds – Ctg, 40mm HE;
(1) Rifle Grenade;
(1) Improvised Claymore Mine (Curved Type);
(9) M16 short Magazines;
(1) M16 long Magazine;
(6) Blasting Caps;
(1) Radio Antenna;
(1) Roll Wire; One
Chest Rig;
(1) Magazine Pouch;
(2) Battery Clips;
(1) Dummy Load.
Samantala ibinahagi naman ni BGen Larida na sa pamamagitan ng mga dating miyembro ng New People’s Army sa kanilang bulontaryo at pakikipagkoordinasyon ay nagkakaroon ng positibong resulta ang operasyon.
“These informants realized that they were victimized by the lies and deceptions of the Communist Terrorist Group that has ruined their lives and families. That’s why they are very eager to pinpoint the location of hidden war materials and revealing vital information about the CTG and other personalities supporting the Communist NPA terrorist,” ayon kay Larida.
Samantala muli pa din nananawagan ang opisyal sa naiwang NPA leader na si Sonny Rogelio, kilala din bilang “Ka-Miggy/Samuel/Troy” na kasaluluyang pinaghahanap upang sumuko na at wakasan na ang pagiging komunista nito.
“I am once again encouraging the remaining CNT leader and sympathizers to surrender and return to the folds of the law and live a new life with their families,” dagdag ni Larida
Nagpapasalamat naman si BGEN Larida sa effort na ginawa ng Armed Forces of the Philippines at mga miyembro ng Palawan Provincial Task Force ELCAC sa pagiging matagumpay sa ginagawang operasyon laban sa Communist Terrorist Group sa lalawigan.
Discussion about this post