Dahil sa kakulangan ng bilang ng mga abogado sa Palawan, imposible pa umano ngayon na mapa-implementa ang continous trial system sa lahat ng korte sa lalawigan.
Ito umano ngayon ang nakikitang problema ng Integrated Bar of the Philippines o IBP-Palawan Chapter ayon kay Konsehal Nesario Awat na dating Presidente nito.
“As much as the Judiciary in Palawan wanted to implement the continous trial as mandated by law and that of the Supreme Court because of the scarcity of lawyers in the province there is a problem to implement it,” pahayag ni Konsehal Awat Sa katunayan tinawag na ang kanyang pansin ni Judge Jose Bayani Usman hinggil sa problema lalo na ngayong mayroon ng sariling korte ang Munisipyo ng Brookes Point o ang RTC 165, Coron ang RTC 163 at kalaunan ay mailipat na rin sa Munisipyo ng Roxas mula sa Justice Hall ang RTC 95.
Dahil rito, ayon kay Awat, posibleng hindi na maaasahan ang ilang abogado na dumalo ng pagdinig ng kaso ng kanilang kliyente sa Justice hall kung ang schedule ay sa hapon dahil mangggaling pa ang mga ito sa malayong munisipyo Kaya naman nakatakdang pag usapan sa Committee on Ordinances and Legal Matters sa City Council ang posibleng maging legislative action sa problemang ito.
Sa ilalim ng continous trial system, ipinagbabawal ang pagpapaliban sa mga pagdinig ng kaso maliban na lamang sa makatuwirang dahilan ay kung talagang kinakailangan.
Discussion about this post