Pag katapos maiproklama kahapon Mayo 12, 2022 si Edgardo “Egay” Lim Salvame bilang kinatawan ng unang distrito ng Palawan sa botong 107, 750.
Sinabi ni Congressman elect Salvame sa panayam hindi niya bibiguin ang kanyang mga nasasakupan kapag ito ay tuluyan umupo bilang kinatawan ng unang distrito.
“Gagawin ko lahat ng magagawa ko para mapag serbisyuhan ko sila ng may pagmamahal para sa ating mga kababayan lalong-lalo na sa mga nag suporta sa akin hindi ko sila bibiguin,”
Dagdag pa ni Salvame, unang tutukan nito ang kalusugan sumunod ang mabigyan ng maayos na serbisyo ng kuryente maging ang pagklasipika ng mga lupain sa Norte.
“Well, tutukan ko siyempre unang-una yung health services natin tapos yung electrification project dahil hindi tayo makapag papasok ng investor kung walang reliability yung power natin so isa yun sa mga gagawin ko.”
“Tututukan ko rin yong land reclassification nga mga lupain natin…marami kasi tayong mga munisipyo na hanggang ngayon eh munisipyo na eh timberland parin,”
Samantala, nagpasalamat naman si Salvame sa mga kababayan nito sa suportang ibinigay at makakaasa umano ang mga ito na gagawin ang lahat ng makakaya para mapag serbisyuhan ng maayos ang kanyang mga nasasakupan.
“Mga suporta kanaken matamang salamat kanindong tanan masarig kamong hindi takamo pababayan hindi ta kamo bibiguin digue po ako indong kapamilya matabang ako sa akeng makakaya,”
Discussion about this post