Hindi bababa sa 30 indigenous na mag-aaral mula sa Calupisan Day Care Center sa Barangay Punta-Baja, Rizal, Palawan ang nakatanggap ng school supplies, laruan, damit, sapatos, at snacks mula sa The Fraternal Order of Eagles – Grand Tarumpitao Point Eagles Club sa isinagawang gift-giving activity ngayong araw ng Sabado, Hunyo 14.
Ang programa ay isinagawa bilang bahagi ng outreach initiative ng grupo upang suportahan ang mga kabataang nasa malalayong komunidad sa southern Palawan.
Ayon sa mga organizers, layunin ng aktibidad na tugunan ang ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga bata sa kanilang pag-aaral, partikular na ang mga nasa early childhood education.
Ayon sa guro ng Calupisan Day Care Center, malaking tulong ang natanggap ng mga bata lalo na’t karamihan sa mga magulang ay walang kakayahang bumili ng kumpletong gamit para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Isinagawa ang pamamahagi sa mismong pasilidad ng day care center at dinaluhan ito ng mga miyembro ng Grand Tarumpitao Point Eagles Club, guro, at ilang mga magulang ng mga mag-aaral.