ROXAS, PALAWAN — Mariing kinukundina ng pamunuan ng AFP Western Command ang pambobomba sa kampo ng Philippine Marines sa Barangay Minara, Roxas, Palawan nitong Sabado, Hulyo 7,2018.
“Kinukundina natin itong naganap na pagsabog dahil maaring may nadamay na sibilyan lalo na’t ang pinasabogan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ay ang tabing national highway,” ang pahayag ni Captain Cheryl Tindog, tagapagsalita ng Western Command.
Sa nangyaring pambobomba ay patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad at nakita dito ang ginamit na pampasabog ay ang M-203 grenade launcher.
Tiningnan sa imbestigasyon ang makakaliwang grupo dahil ito umano ang may “primary motive” lalo na na mayroong issue patungkol sa paghina ng peace talks at at maari umano may nag-udyok sa mga ito na gumawa ng gulo o pananakot laban sa gobyerno para madaliin o isulong ang usapang pangkapayapaan.
Mabuti at wala namang nasaktan mula sa tropa ng pamahalaan.
Discussion about this post