Puspusan ang paghahanda ng Department of Education (DepEd ) katuwang ang City Sports Office para sa nalalapit na MIMAROPA Regional Athletic Association Meet na gaganapin sa Sablayan Occidental Mindoro sa ika-17-21 ng Pebrero 2019.
“Pinagsisikapin po natin na ma-maintain ang pagiging kampeon na back-to-back… Pinagsisikapan din po ng mga coaches and delegation officers na magkaroon ng maagang training kung saan yung 10 days na ‘Adopt An Athlete Program’ at another training na 17 days bago kami tumulak ng Sablayan,’’ pahayag ni Dr. Ferdinand A. Lagrada, ang Division Sports Coordinator.
Ayon kay Dr. Lagrada, bilang paghahanda sa paligsahan, ang pondo na gagamitin ay mula sa Special Education Fund na galing sa City Hall. Maging sa mga training ng mga atleta ay binibigyan ng hustong atensyon at disiplinadong pagsasanay upang ihanda sila sa kanilang laban.
Sa pamamalagi naman ng mga atleta sa lugar na pagdadausan ng paligsahan ay nakahanda na rin ang kanilang matutuluyan na San Sebastian College.
Inaasahan na buo ang loob ng mga atleta na masungkit muli ang pangkalahatang kampeonato na nakuha ng delegado ng Puerto Princesa noong nakaraang taon sa elementary level at high school level, first runner up ang Occidental Mindoro, at second runner up ay nakuha ng Oriental Mindoro.
‘’Sa mga atleta natin lalo na kung kayo ay nakikinig pag-igihan po natin at kailangan focus sa pagprapractice para… mayroong magandang resulta naman ang ating pinagpaguran lalo na duon sa actual game sa Sablayan, Occidental Mindoro,’’ dagdag ni Dr. Lagrada.
Pitong delegasyon ang magtatagisan ng galing sa larangan ng ___ laro. Maglalaban ang Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Calapan, Palawan,Puerto Princesa City, Marinduque, at Romblon.
Sa darating na ika-10 ng Pebrero, Linggo,7:00 A.M. aalis ang mga atleta na humigit-kumulang sa 550 delegado patungo sa Maynila kung saan sila sasakay patungon Sablayan.
Discussion about this post