Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Regional News

Gov. Firmalo, nilinaw ang ilang issue patungkol sa Romblon Prov’l Hospital

Dinnes Manzo by Dinnes Manzo
August 16, 2018
in Regional News, Romblon News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Gov. Firmalo, nilinaw ang ilang issue patungkol sa Romblon Prov’l Hospital

Sa panayam ng lokal na mamamahayag ay nilinaw ni Governor Eduardo C. Firmalo (kaliwa) ang ilang isyu at reklamo laban sa pamunuan ng Romblon Provincial Hospital (RPH) sa Odiongan na lumabas sa social media nitong mga nakaraang araw.(Larawan ni Paul Jaysent Fos/Romblon News)

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

ODIONGAN, ROMBLON — Nilinaw ni Governor Eduardo C. Firmalo ang ilang isyu at reklamo laban sa pamunuan ng Romblon Provincial Hospital (RPH) sa Odiongan na lumabas sa social media nitong mga nakaraang araw.

Sa panayam ng lokal na mamamahayag kay Firmalo, sinabi nito na noong 2010 nang maupo siya bilang gobernador ay iisa lang ang building ng RPH at nasa 20 pasyente lang kada araw ang kayang tanggapin.

RelatedPosts

DPWH investigates flood control projects in Mimaropa

Palawan Gov. Alvarez hosts AFP and Australian Defense Forces ahead of Exercise Alon

Magsasaka, patay matapos maaksidente sa bayan ng Bataraza

Ngayon aniya ay may tatlong bagong gusali ang RPH at kaya nang tumanggap ng 2,000-3,000 na pasyente kada buwan.

ADVERTISEMENT

Aniya, mayroong 38-40 na doktor ang ospital kung kaya’t nagagawa ng gamutin ang mga pasyente kumpara noong wala pa siya sa posisyon ay kinakailangan pang dalhin sa Maynila ang pasyente para doon magpagamot.

Tiniyak din nito na walang consultant sa RPH na tumatanggap ng buong sahod kahit hindi pumapasok dahil ang mga consultant ay mga espesyalista na tumatanggap lang ng allowance mula sa pamahalaang panlalawigan ng P15,000-P25,000 kada buwan.

“Allowance lang yan pero ina-allow natin sila mag-opera pero minimum lang dapat ang singil,” pahayag ni Firmalo.

Pagdating naman aniya sa mga inirireklamo na maruming CR (comfort rooms) o pampublikong banyo, sinabi ng gobernador na pinipilit ng mga taga-RPH na linisin ang mga CR ngunit may ilang pasyente na sa sahig lang umiihi o di kaya ay sa bowl nagtatapon ng mga basura.

“Ang mga CR, mga bago yan, ang problema sobrang dami ng pasyente. Ang problema pa ay yung paglagay ng mga kalat katulad ng mga napkin sa bowl kaya nagbabara ang mga CR natin,” dagdag pa ng Gobernador.

Humingi naman ng paumanhin ang punong lalawigan sa ilang problema ng RPH ngunit sinabi nito na sana maintidihan ng mga pasyente ang kalagayan ng ospital kasi parami ng parami ang mga pasyente kahit pa malaki na ang pinagbago ng mga pasilidad at kagamitan dito.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon nang ultrasound, CT Scan at iba pang medical equipment sa ospital na nakakatulong sa mga pasyenteng Romblomanon.

“Lagi ko sinasabi sa mga empleyado ng Romblon Provincial Hospital na ang boss natin ay ang mga tao, kaya dapat maganda ang pakikitungo natin sa lahat,” ayon pa sa Gobernador.

Nanawagan din ito sa mga may reklamo sa serbisyo ng naturang ospital na lumapit sa Chief of Hospital ng Romblon Provincial Hospital o di kaya’y dumulog sa kanyang opisina sa Odiongan para mabigyan ng aksiyon ang anumang sumbong. (PJF/DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Share40Tweet25
ADVERTISEMENT
Previous Post

Adbokasiya kontra-child labor, isinagawa ng DOLE sa Puerto Princesa

Next Post

Palawenyong PWDs, wagi sa patimpalak sa Regional NDRP Week

Dinnes Manzo

Dinnes Manzo

Related Posts

DPWH investigates flood control projects in Mimaropa
MIMAROPA News

DPWH investigates flood control projects in Mimaropa

August 19, 2025
Palawan Gov. Alvarez hosts AFP and Australian Defense Forces ahead of Exercise Alon
MIMAROPA News

Palawan Gov. Alvarez hosts AFP and Australian Defense Forces ahead of Exercise Alon

August 16, 2025
32 benepisyaryo, nabiyayaan ng libreng saklay at wheelchair sa ilalim ng Proyektong ‘Gulong ng Pag-asa project’ sa Roxas
Police Report

Magsasaka, patay matapos maaksidente sa bayan ng Bataraza

August 21, 2025
Habagat drenches Palawan as PAGASA tracks three weather system
Provincial News

Palawan has new Police Director

July 16, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Provincial News

Mga bagong halal na opisyales ng Tourism Office, pormal nang nanumpa sa harapan ni Gob. Alvarez

July 10, 2025
Mt. Mantalingahan marks 16th year as protected landscape with community-led forest celebration
Provincial News

TESDA, private sector to boost Palawan’s dairy industry

July 8, 2025
Next Post
Palawenyong PWDs, wagi sa patimpalak sa Regional NDRP Week

Palawenyong PWDs, wagi sa patimpalak sa Regional NDRP Week

Mimaropa RDC conducts Tourism Investment Forum

Mimaropa RDC conducts Tourism Investment Forum

Discussion about this post

Latest News

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
NOTICE OF PUBLIC HEARING

NOTICE OF PUBLIC HEARING

November 26, 2025
PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025
Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

November 20, 2025
Strip the money and see who still files candidacy

Kids in debt before birth

November 20, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15190 shares
    Share 6076 Tweet 3798
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11591 shares
    Share 4636 Tweet 2898
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10293 shares
    Share 4117 Tweet 2573
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9713 shares
    Share 3885 Tweet 2428
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9712 shares
    Share 3884 Tweet 2428
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing