Sa ginanap na kapihan sa Philippine Information Agency PIA, ngayong araw ng Martes Hulyo 12, kasama si Provincial Disaster Ricks Reduction Management Officer Jeremias Alili, ito ay upang talakayin ang National Disaster Resilience Month ngayong buwan upang magsagawa ng mga proyekto at programa para sa pagpapalakas ng kahandaan at karatagan ng bawat pamayanan at ng mamamayang Pilipino, na may temang “Sambayanang Pilipino Nagkakaisa Tungo sa Katatagan at maunlad na kinabukasan.”
Isinasagawa ang pag-oobserba nito upang pahalagahan ang pag-unawa pagpapalakas ng pamamahala sa mga panganib, sakuna at kalamidad para sa pagpapahusay ng kahandaan at pagpapatupad ng rehabilitasyon.
Ayon kay Provincial Ricks Reduction and Management Officer Jeremias Alili, maraming programa ngayon ang PDRRMO at upang maipakita, ang kapasidad ng Provincial Government pagdating sa Disaster Risk Reduction and Management, nagsimula narin ang kanilang pagpapakita ng kanilang response capability na kanilang ginagawang caravan.
“Marami tayong mga events na ginagawa mostly ito ay pagsho-showcase ng ating capability ng ating Provincial Government pagdating sa disaster, sinimulan natin yong showcase ng ating response capability ito yong ginagawa natin caravan 3rd Provincial Rescue Caravan a live caravan na dinaluhan ng ating mga responders from the mainland corresponders natin,” saad ni Alili.
Nagsagawa rin sila ng CSO forum upang ma-consolidate ang lakas ng Civil Society Organization na tumutulong para sa pagpapalakas at paghahanda sa kalamidad partikular na sa mga komunidad, magkakaroon naman bukas ng programa kaugnay sa 3rd Provincial Rescue Olympic na dadaluhan naman ng mga Municipal Disaster Ricks Reduction and Management Offices, at sa Hulyo 20, magkakaroon din umano sila ng table touch simulation exercises ng isang typhoon sa buong lalawigan ng Palawan.
Samantala, magkakaroon ng PDRRM summit sa Hulyo 28 at 29, na dadaluhan ng mga lokal na pamahalaan mula sa mga munisipyo, upang talakayin ang mga pangangailangan ng mga PDRRMO workers.
Discussion about this post