Isa sa pangunahing tutukan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Palawan ang pagsasagawa ng serye ng mga pagsasanay para sa disaster preparedness at pagpapaigting ng contingency plan na nakatutok sa mga pagbaha, storm surge, landslide, bagyo, lindol, tsunami at public service upang patuloy na maisulong ang Listo, Matatag at Panatag na Palawan.
Ito ay upang gawing lalong makabuluhan ang mga serbisyo at programa ng PDRRMO para sa disaster prevention and mitigation, disaster preparedness, disaster response at disaster rehabilitation and recovery.
Matatandaan na tumanggap ang PDRRMO/PDRRMC ng “Beyond Compliant Award” para sa Provincial Category ng 22nd National Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Humanitarian Assistance for the Local DRRM Councils and Offices bilang patunay na nagging puspusan ang pagganap ng mga bumubuo ng kanilang mga responsibilidad para sa kaligtasan ng bawat isang mamamayan.
Isa sa mga highlights nitong nakalipas na taon sa gawain ng nabanggit na tanggapan ay ang kanilang ginampanang tungkulin sa pagtulong sa muling pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyong Odette partikular sa bahaging norte ng lalawigan kung saan naging kabahagi ang PDRRMO sa ilang rescue operations gayundin sa pagtukoy sa mga apektadong lugar at kabuhayan maging sa pamamahagi ng mga ayuda para sa mga naapektuhang mamamayan.
Naging produktibo din ang ginawang paglulunsad ng PDRRMO ng Listo Palaweño App na magagamit sa pagrereport ng mga kaganapan para sa mas mabilis na pagkalap at pagpaparating ng mga impormasyon para sa agarang pagresponde sa mga nangangailangan.
Discussion about this post