Sa Amanpulo sa Lalawigan ng Palawan nagdiwang ng ika-32 kaarawan si Asia’s Popstar Royalty Sarah Genornimo noong July 25, kasama ang asawang si Matteo Guidicelli.
Marami ang kinilig dahil ang out-of-town get-away na ito ay regalo ni Matteo o “Gianmatteo Fernan Guidicelli” sa tunay na buhay sa kanyang kabiyak na si Sarah G o “Sarah Asher Tua Geronimo” sa tunay na buhay na tinawag nilang “part 2” ng kanilang honeymoon.
Sa post ng “AshMatt Believers” sa kanilang social page ngayong araw, makikita ang sweet photos ng newly-wed na kuha ni Dr. Hayden Koh habang nagtatanim ng isang puno noong July 22 na bahagi naman ng nakagawian sa nasabing lugar para sa mag-asawa. Kasama ng mag-asawang Gaudicelli sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Koh at ang cute nilang supling na si Scartlet Snow sa pagtungo sa nasabing sikat na island resort sa Palawan.
Isa rin sa pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging kasagutan ng asawa ni Sarah sa katanungan ni Dr. Hayden Kho kung tag-isang puno ba ang kanilang itatanim na ang sagot ni Matteo ay “No.! Together na lang kami, doc. We’re one na eh!”
Discussion about this post