Nagkaroon kahapon, ika-17 ng Agosto, ng isang special talk show ang batikang aktres na si Maricel Laxa-Pangilinan na dinaluhan ng ilang mga nanay at lola sa Balay Tuko Garden Inn, lungsod ng Puerto Princesa, na may tema ng pag-uusap patungkol sa paano mapapalaki ng maayos at may disiplina ang kabataan, pati na rin kung paano maging mabuting magulang sa mga anak ng henerasyong ngayon.
Isa-isang nag tanong at nagbigay ng kaalaman ang mga mommies sa kanilang mga karanasan bilang isang ina sa kanilang mga anak.
Si Laxa-Pangilinan ay isang aktres na may limang anak, tinalikuran niya ang pagiging artista upang magampanan ang pagiging isang ina at mapalaki ng maayos ang kanyang limang anak.
Nakiisa rin ang manager ng Balay Tuko na si Andrea Trinidad, at nag nagbahagi din ito kanyang mga kaalaman at karanasan sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.
Naging matagumpay naman ang ginawang mommy talk kahapon at nagkaroon ng dagdag na kaalaman sa kung paano palakihin at bigyan ng oras ang pamilya bilang isang ina.
Masasalamin sa ating lipunan na ang mga ina/nanay/inay ang nagsisilbing “ilaw ng tahanan” na magiging tagapag-alaga at taga-aruga sa mga anak, ito ang pagmamahal at katangian ng isang mabuting ina.
Discussion about this post