Pagkakaisa para sa pagpapatupad ng napakaraming mga programa kung kaya’t nararamdaman na unti-unti ang sigla at saya ng turismo sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng bumubuo ng iba’t- ibang tourism associations sa Puerto Princesa, bumabalik na ang buhay sa sector ng turismo at kalakalan.
Tinatayang nasa 60% ang kontribusyon mula sa mga domestic tourism factors at ang 40% naman ay mula sa foreign factors.
Bukod dito, malaki din ang naitutulong ng mga Lakbay- Aral na isinasagawa ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan na kung saan nagpapalitan ng mga ideya at istratehiya upang tuluyan nang mapanumbalik ang sigla ng turismo sa bansa.
Samantala, sa darating na buwan ng Nobyembre ang pinakahihintay ng lahat ang napakalaking aktibidad sa siyudad.
Ito ay ang “Ironman” na kung saan sa kasalukuyan pa lamang petsa ng Oktubre ay halos nagkakaubusan na sa mga bookings and accommodations sa siyudad, dahil sa isang libo at dalawang daang kalahok nito na kung saan ang City Government ang siyang nag-aasikaso, nakatitiyak ang lahat na ito ay maaaring doble o triple pa sa kabuuang bilang.
Sa isinagawang “Kapihan sa SM” na naging tampok na panauhin ay ang pinunong tagapagganap ng City Tourism Office na si Demetrio Alvior Jr., malaki ang tulong na naiiambag sa impresyon para sa siyudad sa pagiging hospitable ng mga taga-Puerto Princesa. Dulot nito, nagiging positibo ang mga turista sa kanilang pag-iikot sa lungsod at patuloy silang nagkakaroon ng “best experience”.
Ito rin ang naging dahilan para itanghal ang Puerto Princesa sa pinakamaraming mga dumarayong bisitang local at dayuhan na turista na pumupunta dito.
Sa pahayag ni ginoong Alvior, “Hindi lang individual kundi grupo ang pumupunta na mga turista sa atin sa Puerto Princesa, at may mga activities tayo na ginaganap sa lungsod, at malaking tulong sa atin na pagtulungan e promote ang turista, ganun din sa ating mamamayan na ipagmalaki kung ano ang meron tayo sa Puerto Princesa”.
Ilan pa sa mga istratehiyang nakatakdang ilatag para sa lalo pang pagpapalakas ng industriya ng turismo sa Puerto Princesa ay ang paglalagay ng mga Halal slaughter house, Halal restaurant.
Ito ay batay na rin sa pagnanais ng Punong Lungsod Lucilo R. Bayron na bigyang puwang ang mga lokal at dayuhang turista particular ang mga kapatid na Muslim.
Sa problema naman hinggil sa maka – Christmas light na suplay ng kuryente sa lungsod ng Puerto Princesa, kaugnay sa hindi maintidihang isyu mula sa PALECO at mga kaakibat na nagbibigay enerhiya, ipinahayag ni Alvior na mayroong mga karampatang back-up na generator sets ang mga negosyante at iba pang establisyemento upang patuloy na manatili sa siyudad ang mga bisita.
Discussion about this post