Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng PNP sa Purok Pag-asa, Brgy. Antipuluan, Narra, Palawan noong ika-1:05 ng madaling araw ng Enero 20, 2025.
Ang mga sangkot ay sina alyas “Betong,” 30 anyos, walang trabaho, at residente ng Brgy. Malinao, Narra, Palawan; at alyas “Bonny,” 38 anyos, magsasaka, at residente rin ng Brgy. Malinao, Narra, Palawan (kasalukuyang pinaghahanap).
Sa isinagawang pinagsamang operasyon ng Narra MPS at mga tauhan ng PDEU, Palawan PPO, katuwang ang PDEA COC, naisagawa ang isang anti-illegal drugs operation (buy-bust) sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alyas “Betong.” Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat, kontrol, at pangangalaga ang mga sumusunod na bagay:
Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang Shabu na may timbang na 1.06 gramo;
Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang Shabu na may timbang na 1.10 gramo;
Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang Shabu na may timbang na 1.07 gramo;
Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang Shabu na may timbang na 0.86 gramo;
Isang (1) piraso ng isang libong piso (genuine money) na may serial number;
Isang (1) piraso ng limampung piso (genuine money) na may serial number;
Limang (5) piraso ng isang libong piso (counterfeit money) na may iba’t ibang serial numbers.
Ang mga nakumpiskang items na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 4.09 gramo ay tinatayang may street value na aabot sa Dalawampu’t Apat na Libong Piso (Php 24,000.00).
Ang naarestong suspek at mga nakumpiskang items ay nasa kustodiya na ngayon ng Narra MPS para sa tamang disposisyon. Kasalukuyan nang inihahanda ang mga kaso para sa paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act No. 9165 na isusumite sa Provincial Prosecutor’s Office ng Palawan para sa inquest proceedings.
Discussion about this post