Nagreklamo ang mga estudyante ng Palawan State university dahil sa pagsingil sa kanila ng Facility Enhancement and Security Fees para sa dalawang (2) semesters na nagkakahalaga ng Php 2,600 na dapat bayaran para makapagpairma ng clearance.
Isa sa mga naglabas ng kanyang saloobin ay si Alexis Balansaya na kung saan ang kanyang Facebook post ay nakakuha ng 245 shares at 236 comments galing sa mga studyanteng sumasang-ayon sa kanya.
“Ano yan? Sabi free tuition at miscellaneous. Bakit may babayran parin kami sa miscellaneous? Nagyon lang sinabi kung saan na signing of clearance na. Hindi agad sinabi noong 1st sem pa lang. Bakit ngayon lang sinabi? Di sana hindi mahirap maghagilap ng pera kung noong enrollment pa lang sinabi na agad. Bakit pabigla bigla?”
Dahil sa isyung ito tumugun naman ang Student Body President ng Palawan State University na si Elijah Daniel Geanga at nagkaroon ng pagpupulong patungkol. Ayon sa kanila ay huwag munang mag bayad ng nasabing fees dahil sumasailalim sa tamang pag-uusap. “PSUans, with regard to the complaints received by the University Student Government regarding the collection of the Facility Enhancement and Security Fees for two (2) semesters amounting to two thousand six hundred pesos (Php 2,600), the USG is advising all the students NOT to settle these fees yet until the University will release its official statement. The said fees are still undergoing proper deliberation. Rest assured that the USG is one with the students in addressing the said issue. Note that RLE fees of BS Nursing, OJT, and affiliation fees will still be collected.”
Saad ni Geanga, “We had initial meeting with OSAS director, Accountant, Chief Finance officer, and the Executuve Asistant to the University President regarding the collection of the said fees and there’s already an appropriate action regarding the said issue.”
Ayon naman sa PSU Office of Student Affairs and Services ginagawan na umano nila ng aksyon ang isyung ito at kung sakali mang may mga karagdagang tanong o paglilinaw ay maaring pumunta sa kanilang opisina.
“Regarding your concern/ inquiries regarding your current outstanding balance, please download the IRR of universal free access to tertiary education (UNIFAST) for more information. You may also visit OSAS for more clarifications,” ayon sa opisyal na Facebook post ng PSU Office of Student Affairs and Services.
Ang Palawan State University ay kasama sa listahan mga unibersidad na makakapag-alay nga libreng edukasyon sa ilalim ng ng “Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017” o libreng pag-aaral sa kolehiyo kung saan ang mga estudyanteng Pilipino ng unibersidad ay walang babayarang tuition at miscellaneous dahil sagot na ito ng gobyerno. Ito ay inilaan upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng Pilipino na makapagtapos sa kolehiyo.
Discussion about this post