Isang lalaki na may problema sa pag-iisip ang pinagtripan at binugbog ng isang grupo ng hindi nakilalang kalalakihan sa kahabaan ng PSU Road, Barangay Tiniguiban noong Martes, February 19.
Kinilala ang biktima na si Unico. Pauwi na ito at binabaybay ang kahabaan ng PSU Road ng bigla itong pinagsusuntok at pinagsisipa ng isang grupo ng hindi kilalang kalalakihan na nakatambay din sa lugar ng pinangyarihan.
Nagtamo ang biktima ng malulubhang pisikal na pinsala, natanggalan ito ng isang ngipin at halos hindi na makakita ang kaliwang mata nito dahil sa tindi ng pagkakabugbog.
Ayon kay Aling Luzviminda, ina ng biktima, wala naman umanong nakaaway ang kanyang anak at hindi rin daw ito nanakit ng kung sino man kaya’t hindi niya lubos maisip kung bakit ginawa iyon sa kanyang anak. Humihinggi naman ng tulong ang ina ng biktima para sa pagpapagamot ng kanyang anak dahil sa kahirapan ng kanilang buhay.
Discussion about this post