Pinayagan na muli ni Pangulong Rodrigo Duterto ang operasyon ng Lotto, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Kinompirma ito ng Presidential Spokesperson Salvador Panelo ngayong gabi lamang.
Ang Small Town Lottery (STL), Keno at Peryahan ng Bayan naman ay nanatiling suspendio habang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Office of the President ukol sa malawakang korapsyon sa ahensya.
Sa isang mensaheng pinadala ni Secretary Panelo aniya, “Franchise holders and operators of lotto outlets may now resume with their operations. The lifting of the suspension of lotto operations takes effect immediately.”
Noong Sabado lamang, pinatigil ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga operasyon ng PCSO dahil sa matinding korapsyon.
Discussion about this post