ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Government

DOLE-Palawan, tiniyak na masusi nilang mino-monitor kung may naiipit na mga Palawenyo sa tensyon sa Middle East

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
January 13, 2020
in Government, Provincial News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0
DOLE-Palawan, tiniyak na masusi nilang mino-monitor kung may naiipit na mga Palawenyo sa tensyon sa Middle East

DOLE-Palawan Chielf Labor and Employment Officer Luigi Evangelista. Photo from PIA-Palawan

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Tiniyak ng pinuno ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Palawan Field Office na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring at pakikipag-ugnayan sa DFA, OWWA at POEA kung may mga Palawenyong naiipit ngayon sa tensyong nagaganap sa Middle East.

Ang pagbibigay katiyakan ay inihayag ng pinuno ng ahensiya na si G. Luigi Evangelista sa isinagawang “Kapihan sa PIA” noong ika-9 ng Enero.

RelatedPosts

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

Matatandaang nang pumutok ang hidwaan ay agad na iniatas ng pamahalaan ang mandatory repatriation sa mga OFW sa Iraq at kalapit na mga bansa at pag-anunsiyo na magpapadala ng barko ng PCG upang madaling maialis ang mga Pilipino sa apektadong mga lugar.

Sa kasalukuyan, wala pang naibibigay na bilang  ang DOLE-Palawan Field Office sa kung ilang mula sa Palawan ang kailangang pauwiin sapagkat ayon kay G. Evangelista, hinihingi pa nila ito sa central office ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na silang may control ng database.

Magpapatuloy umano ang ginagawang repatriation ng gobyerno ng Pilipinas sa mga overseas Filipino Workers (OFW’s) na nasa mga bansang sa Iraq, Iran, at Lebanon bagamat bahagya nang humupa ang tensyon sa pagitan ng Iran at Amerika.

Ani Evangelista, may instruction na rin sa lahat ng mga OFW na naroon sa nasabing mga bansa na maaari silang pauwiin anumang oras.

“Sa ngayon, base din lang doon sa initial info na ibinaba sa mga embahada ng DFA ay pinaghahanda na ang lahat ng mga Filipino overseas sa Iran, UAE, Kuwait na anytime, i-repatriate [sila],” ani Evangelista sa Kapihan.

“Based nga doon sa mga instructions na ibinigay sa amin ni [DOLE] Sec. [Silvestre] Bello [III],  ipinarating niyang ang spokesperson ng DOLE, sa katauhan ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac, ay siya ang pupunta to monitor and ensure the safety ng ating [mga] OFW. At in-inform natin ang mga OFW na anytime, [mag]-ready na for mandatory repatriation,” aniya.

Hanggang hindi naman lubusang pumayapa sa Gitnang Silangan ay ititigil muna ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapadala ng manggagawa sa bahaging iyon ng rehiyon.

“May verbal instruction na rin na medyo hold muna ang deployment, particularly sa Iran at Iraq,” anunsiyo pa ng pinuno ng DOLE-Palawan Field Office.

Kung sakali man umanong may mapauwing taga-Palawan, siniguro rin ni Evangelista na bagamat hindi mapapantayan ang kita sa pinanggalingang bansa ay hindi naman sila pababayaan ng pamahalaan.

Maaari umanong sumailalim ang mga mapauuwing OFW sa mga libreng pagsasanay ng TESDA at OWWA para sa bagong skills nang makahanap ng panibagong trabaho sa mga bansang hindi apektado ng tensyon o di kaya’y magtrabaho na lamang dito sa Pilipinas.

Tags: DOLE Palawaniraniraqmiddle eastofw
Share24Tweet15
ADVERTISEMENT
Previous Post

Mga deboto ng Puerto Princesa, nakiisa sa kapistahan ng Poong Nazareno

Next Post

City Hall to discuss trike ban with stakeholders

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho
City News

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

February 3, 2026
Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market
City News

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

February 3, 2026
Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog
City News

Puerto Princesa City Old Public Market, nasunog

January 29, 2026
Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’
City News

Gob. Amy Alvarez sa mga empleyado ng nakaraang administrasyon na hindi pa rin nakakasahod: ‘I signed na everything’

January 28, 2026
Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers
City News

Mayor Bayron greenlights ₱6,000 quarterly allowance for Puerto Princesa law enforcers

January 28, 2026
Jomari Poultry Farm
Puerto Princesa City

Poultry farm sa Brgy. Bacungan, pansamantalang ipinatigil ang operasyon

January 24, 2026
Next Post
City Hall to discuss trike ban with stakeholders

City Hall to discuss trike ban with stakeholders

Ilang mamamayan ng El Nido, nagsabing nakarating na ang ash fall sa kanilang bayan

Ilang mamamayan ng El Nido, nagsabing nakarating na ang ash fall sa kanilang bayan

Discussion about this post

Latest News

Why do commuters prefer motortaxis?

Why do commuters prefer motortaxis?

February 5, 2026
Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

Karagdagang fire trucks ng BFP-Puerto Princesa, tinalakay sa Konseho

February 3, 2026
Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

Puerto Princesa extends assistance to 131 fire victims in old market

February 3, 2026
City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

City ENRO spearheads mangroves planting during World Wetlands Day

February 3, 2026
Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

February 3, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15232 shares
    Share 6093 Tweet 3808
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11665 shares
    Share 4666 Tweet 2916
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10298 shares
    Share 4119 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9912 shares
    Share 3965 Tweet 2478
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9731 shares
    Share 3892 Tweet 2433
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us