ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Pagbabalik ng GMRC sa K12 curriculum, suportado ng mga guro ng Lalawigan ng Palawan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
July 2, 2020
in City News, Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Pagbabalik ng GMRC sa K12 curriculum, suportado ng mga guro ng Lalawigan ng Palawan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Kasama sa mga labis na natuwa sa pagbabalik ng pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at ng Values Education sa paaralan ay ang mga guro sa probinsiya ng Palawan.

Sa panayam sa gurong si Sherilyn Redison ng Binduyan Elementary School sa Brgy. Binduyan, Lungsod ng Puerto Princesa, sinabi niyang “napapanahon talaga na maibalik ang GMRC sa ngayon.”

RelatedPosts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Nineteen days before the bullet

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

“Para sa akin bilang isang guro sa elementarya, malaki ang maitutulong ng pagbabalik ng GMRC bilang isang asignatura ng K to 12 Curriculum sa paghubog ng ugali at pagkatao ng isang mag-aaral, lalo na sa kasalukuyang panahon na kung saan ay malaki ang impluwensiya ng modernisasyon sa mga kabataan,” ayon kay Redison sa pamamagitan ng chat message.

Aniya, magiging kaagapay ng Kagawaran ng Edukasyon ang GMRC sa pagpapatupad ng core values ng ahensiya na Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Kalikasan at Maka-Bansa.

“Mahalagang mahubog ang karakter ng isang bata sa kanyang murang  edad sa paraalan upang makita niya ang kanyang halaga bilang isang tao at matuto siyang irespeto at pahalagahan ang iba. Kung mapapansin kaso natin, napakataas ng mga cases ng bullying sa loob ng mga paaralan ngayon; ibang-iba na po ang kabataan ngayon,” dagdag pa ng gurong si Redison.

Siya man umano ay hindi rin nakaligtas sa pambabastos ng isang mag-aaral nang sagot-sagutin siya ng isang Grade 6 pupil.

Ayon naman sa science teacher na nagtuturo sa senior high school sa Quezon Panitian National High School sa Bayan ng Quezon, Palawan na si Alexander Alcazarin, bilang guro at isang magulang ay lubos niyang sinusuportahan ang nasabing batas. At gaya ng nabanggit ng gurong si Redison, aniya “napapanahon ito sa ngayon.”

“Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na maraming mga kabataan ang halos wala ng respeto sa nakatatanda, maging sa mga guro; hindi man lahat, pero marami sa kabataan ngayon ang nasasangkot sa mga maling gawain. Kung ito (GMRC) ay muling maisasama sa pagtuturo ng mga guro, ay mas may pagkakataon nang maitatanim sa isip ng bata, ang salitang ‘respeto’ at ‘pagpapahalaga sa kapwa,’ lalong-lalo na sa murang kaisipan ng mga ito,” ani Alcazarin.

Suporta at pagkatuwa rin ang ipinaabot na reaksyon ng gurong si Analiza Alvarez ng Babuyan National High School (BNHS) sa Brgy. Babuyan na sakop din ng lungsod.

“GMRC ‘yan noon tapos naging Edukasyon sa Pagpapahalaga. Ang masama lang sa pagbabago, eh, kulang sa oras, gaya ngayon, two hours in one week lang. Pa’no kung lagi pang wala si teacher sa time na ‘yon? Di naloko na lalo!”  aniya.

Sa 20 taon umanong pagtuturo ni Alvarez ay hindi naman niya naranasan ang ganoon katinding pambabastos ng mga estudyante sapagkat kaya niya itong dalhin ngunit ang higit na nakalulungkot lamang umano ay ang makita ang iba niyang mga kasamahan na ganoon na lamang kung hindi respetuhin ng mga mag-aaral.

“May sumagot pa nga sa guro at nagsabi ‘Katagal-tagal mo ng guro, wala ka pa ring kwenta!’ Tama ba naman ‘yon? Di pa ‘yan nakainom ha, nasita lang. ‘Yong naabutan ko [rin], isang guro, banat discuss tapos [ang] mga student, banat din ML sa likuran [bahagi ng klase]. Ako ang na-stress tumingin kaya minsan, di rin ako makatiis, pinagsasabihan ko sila,” dagdag pa niya.

“Kahit nga ‘yong pagtulong sa mga guro na mabigat ang dalahin eh, mga five percent na lang ang makikitang may malasakit,” dagdag pa niya.

BABALA NG DEPED

Sa tanggapan ng DepEd-Puerto Princesa City naman, tiniyak ng tagapagsalita ng Kagawaran na si Gina Francisco na hindi nila palalampasin ang pagpapaliban sa klase ng guro sa GMRC at Values Education. Kaya pakiusap niya sa lahat na kung sinuman ang nakaaalam ng ganoong sitwasyon ay agad lamang na ipagbigay-alam  sa kanila upang agaran din nilang maaksyunan.

 AKSYON NG PAMAHALAANG NASYUNAL

Sa kabilang dako, matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11476 o ang “An act institutionalizing GMRC and Values Education in the K to 12 curriculum” noong ika-25 ng Hunyo na unang ipinagpasalamat at ikinatuwa ng sektor ng edukasyon.

Sa official statement ng Department of Education (DepEd) na naka-post sa  kanilang Facebook page na  “DepEd Philippines”  noong  Hunyo 26 na kumakatawan sa lahat ng dibisyon ng Kagawaran, nagpaabot sila ng pasasalamat sa presidente at sa mga mambabatas na sumuporta upang maisabatas ang pagbabalik ng nasabing asignatura sa eskwelahan.

“We thank our President, legislators, and advocates for their support to DepEd in further empowering our youth to contribute to nation-building while protecting their physical, moral, spiritual, intellectual, and social well-being,” batay sa post. “With this law, and our nation’s aspiration to guide our youth to the right path, we look forward to raising more Filipinos who are Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa.”

Sa pahayag ng DepEd, bagama’t nagbibigay na ng leksyon hinggil sa  GMRC at Values Education sa K to 12 curriculum sa ngayon, lubos pa rin nilang pinahahalagahan ang mahalagang papel ng RA 11476 sa pagpapalakas  pa sa kakayanan ng mga kabataan sa pagdedesisyon,  sa pag-uugali, at mga gawi, lalong-lalo na umano sa panahon ngayon.

“We will be teaching 313 Most Essential Learning Competencies (MELCs) from Grades 1-10 this School Year 2020-2021,” ang tiniyak pa ng ahensiya.

Tags: DepEDGMRC
Share353Tweet221
ADVERTISEMENT
Previous Post

VM Socrates, nakatanggap ng ‘disrespectful’ na mensahe mula kay Col. Balonglong

Next Post

DENR files complaints vs relieved Puerto Princesa City police chief

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony
City News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush
City News

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation
City News

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026
Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante
City News

Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante

March 2, 2026
City spearheads Cultural Mapping Workshop
City News

City spearheads Cultural Mapping Workshop

March 2, 2026
City eyes urban transport terminal near SM
City News

City eyes urban transport terminal near SM

February 26, 2026
Next Post
DENR files complaints vs relieved Puerto Princesa City police chief

DENR files complaints vs relieved Puerto Princesa City police chief

Lalaking nangingisda, inatake ng buwaya sa Balabac

Lalaking nangingisda, inatake ng buwaya sa Balabac

Discussion about this post

Latest News

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

March 6, 2026
Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Strip the money and see who still files candidacy

Under construction, under construction

March 5, 2026
Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

March 2, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15238 shares
    Share 6095 Tweet 3810
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11683 shares
    Share 4673 Tweet 2921
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10299 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9981 shares
    Share 3992 Tweet 2495
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9735 shares
    Share 3894 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing