Mayroon nang 43,477 bags ng expanded hybrid palay seeds at 27,586 ng expanded inbred seeds ang sa ngayon ay naipamahagi na at patuloy pa ring ipinamamahagi ng Department of Agriculture – MIMAROPA Region Rice banner program.
Ang expanded hybrid seeds distribution ay programa ng DA na kung saan mas pinalawak pa ang sakop nito. Hindi lamang nakatuon sa regular program na High Yielding Technology Adoptation (HYTA) kundi pati rin sa karagdagang Ahon Lahat, Pagkain Sapat (ALPAS) o ang Plant, Plant, Plant Program. Samantala, sa expanded inbred seeds, hindi lamang ang nagtatanim ng certified seeds kundi pati na rin ang gumagamit ng good seeds ay bibigyan ng fertilizer.
Ang mga nasabing binhi ay ipinamamahagi sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa rehiyon.
Ayon sa Rice banner program, 44,519 bags ng expanded hybrid seeds ang naipadala na sa mga Local Government Unit ng bawat probinsya mula sa 50,114 bags na alokasyon. 35,979 bags naman ng expanded inbred ang naibigay na rin mula sa 36,029 na alokasyon.
Mula sa nasabing alokasyon ng expanded hybrid seeds, 29,262 ang para sa Occidental Mindoro, 9,810 para sa Oriental Mindoro at 11,042 ang para naman sa Palawan.
Samantala, ang alokasyon naman para sa expanded inbred palay seeds ay 23,209 para sa Occidental Mindoro, 6,265 para sa Oriental Mindoro, 3,850 sa Palawan, 1,490 para sa Romblon at 1,215 para sa Marinduque.
Ang kabuuang halaga para sa hybrid at inbred seeds ay Php 269,074,080. Ang mga nasabing binhi ay may kaakibat na inorganic fertilizer na kung saan ipinamigay ito sa pamamagitan ng reimbursement scheme batay sa nakasaad sa Memorandum Order No. 30 S. 2020.
Ayon kay City Agriculturist (CA) ng Calapan City, Oriental Mindoro na si CA Lorelein Sevilla, may 2,500 ektarya na alokasyon ang kanilang munisipalidad para sa ALPAS hybrid mula sa 3,070 ektarya alokasyon para sa hydrid. Ang Calapan City ang nangunguna sa hybrid utilization pagdating sa lawak ng taniman.
Dadag pa niya na ang suporta mula sa DA ngayong panahon na may pandemia ay malaking tulong sa mga magsasaka.
“Farmers were very happy because first time nila ma-experience ang tumanggap ng free hybrid seeds. They said, napaka-gandang programa dahil naging parehas ang pagkalinga ng pamahalaan sa lahat ng mga magsasaka, maliit man o malaki ang binubukid. Malaking pasasalamat ang kanilang ipinaabot sa DA at dahil dito, they will be expecting more yield with less cost of production resulting to increase income. Mas malawak ang area na matataniman gamit ang hybrid seeds this season compared to last cropping season.Farmers are hoping that DA will sustain the program,” sabi ni CA Sevilla.
Pasasalamat rin ang nais ipabatid ni Municipal Agriculturist Rommel Calingasan ng San Jose Ocidental Mindoro dahil na rin sa libreng binhi ng iba’t ibang variety ng hybrid na kanila ring natanggap.
“Bukod sa nakatipid na sa pambili ng binhi na kanilang pantanim ngayong tag-ulan, nakakasigurado pa kmi na akma at rekomendado sa aming lokal na klima at kondisyon ang mga binhi. Bukod pa dito, nakakasigurado kami na magiging mataas ang kita at ani ng aming magsasaka ngayon,” ani MA Calingasan.
Discussion about this post