Isang milyong piso ang ibibigay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bawat isang pamilya ng labingapat na nawawalang crewmen ng FV Liberty 5.
Ito ang inanunsyo ni PCG Chief Admiral George Ursabia sa isang virtual press briefer ngayong Huwebes, Agosto 20. Matatandaang lumubog ang FV Liberty 5 madaling araw noong ika-25 ng Hunyo sa karagatang sakop ng Mindoro Occidental matapos mabangga ng Hongkong-registered cargo ship na Vienna Wood.
Una ng sinabi ng Philippine Coast Guard na walang naitalang survivor matapos ang kanilang isinagawang search and rescue operation at retrieval operation.
Discussion about this post