Nailigtas ng mga kawani ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) kahapon ang isang isang bayawak sa Brgy. Tiniguiban matapos na iulat ng mga concerned citizen sa kanilang tanggapan.
Sa post ng PCSD sa kanilang facebook page, nakasaad na ipinaabot sa kanilang kabatiran ng dalawang residente ng nasabing barangay na sina Nesty Paul Inocencio at Esperanza Remo na may nakulong na bayawak sa isang “divider storage” malapit sa tindahan.
Nabatid na ang nasabing Variable Monitor Lizard (𝘝𝘢𝘳𝘢𝘯𝘶𝘴 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘦𝘯𝘴𝘪𝘴) ay may habang 138 sentimetro, 12 sentimetrong lapad at may bigat na 3.5 kilo.
Batay sa PCSD Resolution No. 15-521, ang nabanggit na uri ng bayawak ay isa ng “Endangered” species kaya nangangahulugang nangangailan na ito ng proteksyon upang maiwasan ang pagkaubos ng kanilang lahi kapag napabayaan.
Samantala, patuloy na nananawagan ang PCSDS sa publiko na kung may kahalintulad na makikita o anumang buhay-ilang ay mangyari lamang na ipaabot ito sa kanilang tanggapan.
Discussion about this post