ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Uncategorized

City Health Office, nakatakdang mamigay ng Buntis Kit sa mga nagdadalang-taong pasok sa kanilang criteria

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
September 21, 2020
in Uncategorized
Reading Time: 3 mins read
A A
0
City Health Office, nakatakdang mamigay ng Buntis Kit sa mga nagdadalang-taong pasok sa kanilang criteria
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nakatakdang mamigay ang City Health Office (CHO) ng Buntis Kits na magagamit ng mga inang nagdadalang-tao sa kanilang panganganak kapag sila ay pumasa sa criteria ng tanggapan.

Ayon kay Population Program Officer Analiza Herrera ng Population Management Division ng CHO, galing ang nasabing kits sa pagkapanalo ng kanilang tanggapan sa patimpalak ng Department of Health noong nakaraang taon na kung saan, itinanghal na kampeon ang Lungsod ng Puerto Princesa sa buong rehiyon.

RelatedPosts

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

PSU, nasungkit ang unang pwesto sa Petrobowl Asia Pacific; Pasok sa World Championships sa Texas

First sighting of Horsfield’s bronze cuckoo recorded on Lawak Island, Palawan

“Yan ay prize ng pagkapanalo ng City Health Office, in particular, the Population Management Division para sa Purple Ribbon Award. Ang Purple Ribbon Award is Search for Best LGU Implementer sa buong MIMAROPA on the Responsible Parenthood and the Reproductive Health [Act of 2012] o ‘yong RPRH [Law],” ani Herrera sa isang phone interview. Ginagarantiya ng RPRH Act of 2012 (RA 10354) o mas kilala bilang “Reproductive Health Law (RH Law)” ang universal access sa fertility control, contraception, maternal care at sex education.

Ayon pa sa pinuno ng Population Program Division, nasa 550 pirasong kit na nagkakahalaga ng P400,000 ang dumating sa lungsod noong nakaraang linggo at pormal na tinanggap ni City Mayor Lucilo Bayron noong Setyembre 16 sa pamamagitan ng isang turn-over ceremony.

Ang naturang mga kit ay naglalaman ng tooth brush, tooth paste, diaper, cord clamp, thermometer,  alcohol, betadine, mouthwash,  mittens,  maternal diaper, baby towel na may hood, bulak, medyas, at bag.

MGA MAKIKINABANG

Ani Herrera, ang mga makikinabang sa nasabing mga gamit ay ang mga buntis na manganganak pa lamang sa kasalukuyan, nakapa-prenatal ng kahit isang beses sa unang tatlong  buwan, kahit isang beses uli sa ikalawang trimester at dalawang beses sa huling trimester. Aniya, ang magkwa-qualify sa criteria base sa listahan ng mga midwife na nagsasagawa ng pre-natal ay sila ang magiging benepisyaryo.

Gayundin umano, ang ibang requirement ay magmumula sa coordinator ng maternal and child care program ng CHO. Isasama rin aniya sa qualification ang limitado ang kapasidad o walang kapasidad ang isang nanay na makabili ng mga pangangailangan.

“Bihira kasi sa atin, mababa ‘yong accomplishment ng Puerto Princesa pagdating sa pre-natal. Usually kasi, they come to Barangay Health Station or centers kapag nasa second o third trimester na sila o kapag malapit nang manganak. Ang [mainam] sana, makita natin sila sa first trimester palang—isang beses, isang beses din sa second trimester and dalawang  beses sa last trimester  o ang sinasabi nating 1-1-2 na pre-natal check-up nila,” aniya.

Sa kasalukuyan umano ay nagba-validate pa lamang ang CHO sa mga hawak nilang datus base sa mga nai-submit ng mga midwife na na-identify na mga kasalukuyang buntis.

Dagdag pa ni Herrera, sa semi-annual report ng CHO, ang kanilang projection ay magkakaroon ng humigi’t kumulang 4,000 na pagbubuntis sa buong taon ngunit sa pinakahuling report na kanyang nakita ay mayroong na-identify na 2,000 na rough estimate simula Enero hanggang Hunyo. Ito umano ay posibleng nakapanganak na buntis ang ibang nasa listahan.

ZERO MATERNAL DEATH

Biigyang-diin pa ni Herrera na target ng Lungsod ng Puerto Princesa sa ngayon ang walang mamamatay sa panganganak o magkaroon ng kamatayan na kaugnay sa panganganak

“Kaya ‘yan ang sinasabi natin sa mga pregnant mothers na ang pagbubuntis is not a disease na magiging dahilan ng kanilang kamatayan but it’s a part of life, it’s a phenomenon na pinaghahandaan. Hindi ito disaster pero magiging cause ito ng disaster kung …ang magiging parents, specially the mother [ay magpabaya],” aniya.

Aniya, kailangang magpa-check-up na sa unang trimester ang isang buntis upang maagang makita kung kasama sila sa high risk na pagbubuntis o nasa kategoryang “too young” o masyado pang bata para magdalang-tao na nag-e-edad 19 pababa, “too old” o may edad na para mabuntis o 35 taong gulang pataas, “too many” o marami na ang naging supling at “too soon” o walang maayos na agwat sa taon ng panganganak.

Tags: Buntis KitsZERO MATERNAL DEATH
Share67Tweet42
ADVERTISEMENT
Previous Post

9-km Langangan road construction starts

Next Post

Problema sa mga palengke, hinanapan solusyon ng lehislatura ng Puerto Princesa

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities
Uncategorized

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

March 12, 2026
Habagat drenches Palawan as PAGASA tracks three weather system
Feature

PSU, nasungkit ang unang pwesto sa Petrobowl Asia Pacific; Pasok sa World Championships sa Texas

July 15, 2025
Habagat drenches Palawan as PAGASA tracks three weather system
Uncategorized

First sighting of Horsfield’s bronze cuckoo recorded on Lawak Island, Palawan

July 15, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao
Uncategorized

Palawan named best island in southeast asia- again

July 14, 2025
Column: high-rise housing as solution in flood-prone cities
Uncategorized

Column: Blu Carbon Ecosystems

July 14, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Uncategorized

Puerto Princesa mulls creation of flood control task force

July 10, 2025
Next Post
City public markets open at 6 a.m. to 12 noon

Problema sa mga palengke, hinanapan solusyon ng lehislatura ng Puerto Princesa

City ENRO, civic groups throw mudballs to clean coastal waters

City ENRO, civic groups throw mudballs to clean coastal waters

Discussion about this post

Latest News

Strip the money and see who still files candidacy

Squatters in the boy’s club

March 13, 2026
PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

March 13, 2026
Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

March 12, 2026
Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

March 12, 2026
INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

March 10, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15245 shares
    Share 6098 Tweet 3811
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11695 shares
    Share 4678 Tweet 2924
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10300 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10029 shares
    Share 4012 Tweet 2507
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9738 shares
    Share 3895 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing