Ang pagpapatayo ng coal-fired power plant ay nakadepende sa kagustuhan ng tao at hindi sa kung sinuman ang nakaupo sa pwesto sa gobyerno. Ito ang naging pahayag ni Provincial Information Officer Winston Arzaga sa panayam ng Palawan Daily News.
“Siguro naman kahit nandyan sa pwesto si Mayor Danao kung ‘yung coal-fired power plant ay makakabuti sa bayan ng Narra maitutuloy ‘yan, so regardless kung sino nakaupo, ‘yung Provincial Government sumusuporta sa coal-fired power plant,” pahayag ni Arzaga.
Samantala sa panig naman ni suspended Narra Mayor Gerandy Danao, noong nag-usap sila ni Governor Jose Chavez Alvarez binanggit sa kanya kung saan umano masaya ang tao ay doon sila na kanyang pinanghahawakan hanggang ngayon.
“Ang sabi ni Gob sa akin kung saan masaya ang tao doon tayo, ngayon po sa Narra masaya po ang tao kung wala ang coal, kaya doon po ako sa masaya,” ani Danao
Nilinaw din ni Danao na hindi niya hawak ang pagapruba o pagpapatigil ng pagtatayo ng coal plant lalo’t wala siya sa pwesto sa ngayon,.
“Sa ngayon po hindi tayo pwede makapag desisyon; hindi naman tayo naka upo. Kung sila po ay mag desisyon at bibigyan ng permit ‘yan e, bahala po sila.”
Discussion about this post