ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

66 tagasuporta ng NPA sa San Vicente, nagbalik-loob na sa pamahalaan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
October 14, 2020
in Provincial News, Uncategorized
Reading Time: 2 mins read
A A
0
66 tagasuporta ng NPA sa San Vicente, nagbalik-loob na sa pamahalaan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda, indigenous people, kababaihan, manggagawa at mga kabataang tagasuporta ng mga makakaliwang-grupo ang nagbalik-loob sa pamahalaan para makapag-bagong buhay.

Sa impormasyong ibinahagi ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)-3, boluntaryong dumulog sa mga otoridad  ang nasabing mga mamamayan na dating naugnay at  inorganisa ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang paglulunsad ng mga kinauukulan ng Retooled Community Support Program (RCSP) noong Sept. 18, 2020, at pag-deploy ng mga Community Support Program (CSP) Teams sa ilalim ng Peace, Law Enforcement and Development Support (PLEDS) Cluster ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa ilang barangay ng nasabing munisipyo gaya ng Kemdeng, Alimanguhan at Sto. Nino. Ngayong araw naman ay iprinesenta sila ng MTF-ELCAC sa publiko.

RelatedPosts

Ilang pastor nabiktima ng umanoy’y accommodation scam sa puerto princesa

Lolang 80-anyos, ninakawan ng matapos tanggapin ang alok na sakay na hindi kilalang rider sa plaridel

Narra breaks ground on p52-million slaughterhouse

Ang nabanggit na mga indibidwal ay nalinlang umano at pinangakuan ng tulong pinansiyal, pangkabuhayan, pagmamay-aring lupa at iba pa ng mg NPA kapalit ng pagsuporta nila sa kilusan.

“Sa malawakang pakikipag-ugnayan at taos-pusong layunin ng MTF-ELCAC ng Bayan ng San Vicente na maiparating ang mga serbisyo at mensahe ng kapayapaan at kaunlaran ay naliwanagan ang naturang mga mamamayan. Bunga nito, kusa silang lumapit sa mga CSP Teams para ipahayag ang kanilang pagtalikod na sa baluktot na ideolohiya at masamang layuning ng CTG kasabay ng kanilang pagbabalik-loob at determinasyong makipagtulungan sa ating pamahalan,” ang nakasaad pa sa ibinahaging impormasyon ng MBLT-3.

Ayon kay alias “Karding,” dating na-recruit at naitalagang Pangulo ng Ganap na Samahang Masa (GSM) ng mga katutubo (IPs), pinangakuan sila ng mga NPA na tutulungan sa kanilang problema sa lupain hanggang sa ginawa siyang organisadong tao.

“Kami ay may problema sa aming lupa. Kami ay mga katutubo at pinaasa nila kami. Doon kami pinasok ng grupo na ‘yan, pinasapi at hinikayat….Sa kagagawan nila, nakarating po ako sa Maynila, na hindi ko alam na magra-rally pala kami. Ang pagkakasabi nila, doon namin malalaman ang dinadaing namin sa aming lupa, ‘yon pala pagdating do’n ay pagra-rally na laban sa gobyerno ang gagawin namin. Dahil sa mga kung anu-anong ipinapagawa sa akin ng grupo, napabayaan ko na ang aking pamilya,” aniya.

“Ganap na Samahang Masa po ang tawag sa mga naorganisang masa o mamamayan ng mga NPA. Sila po ‘yong masa na sumusuporta sa mga NPA; sila po ‘yong pinupuntahan ng mga NPA ‘pag bumababa sila sa mga kabundukan,” ayon naman sa Civil Military Operation Officer ng MBLT-3 na si 2Lt. Maria Cristina M. Mojeca sa isang hiwalay na panayam.

Dagdag pa ni 2Lt. Mojeca, kasabay ng pagsisimula ng RCSP noong Sept. 18 ay nakakausap na nila ang mga mamamayan sa mga barangay. “Effective that date, may mga lumalapit na po, hanggang sa kanina po, may humabol pa po kaya total po na 66 sila kanina [na nagbalik-loob],”

Kaugnay nito ay tiniyak ng pamunuan ng San Vicente MTF ELCAC, sa pangunguna ni Mayor Amy Alvarez, katuwang ang Palawan PTF ELCAC, ang bukas-palad na pagtanggap at pagsuporta sa mga dating na-recruit ng NPA sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalan. Tinitiyak naman ng PLEDS Cluster ang kaligtasan at seguridad ng mga nagbalik-loob mula sa anumang marahas na plano o hakbang ng mga CTG.

Samantala, patuloy ang panawagan ng pamunuan sng 3rd Marine Brigade/Joint Task Force Peacock sa mga miyembro ng NPA na kasalukuyang patuloy na nagtatago sa mga kabundukan na bumaba na at magbalik-loob sa pamahalan.

Tags: 66 NPA SurrenderedMTF Elcacptf elcacSan Vicente MTF ELCAC
Share125Tweet78
Previous Post

Calamianes group of Islands loses P57 Million worth of Fish caught by Illegal Fishing annually

Next Post

One Palawan Movement: Mamimili sila ng boto sa plebisito

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Ilang pastor nabiktima ng umanoy’y accommodation scam sa puerto princesa
Provincial News

Ilang pastor nabiktima ng umanoy’y accommodation scam sa puerto princesa

June 2, 2025
Filipino travelers enjoy growing access to visa-free destination in 2025
Provincial News

Lolang 80-anyos, ninakawan ng matapos tanggapin ang alok na sakay na hindi kilalang rider sa plaridel

June 2, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan
Provincial News

Narra breaks ground on p52-million slaughterhouse

May 30, 2025
Auto Draft
Provincial News

Parokya sa bayan ng Roxas, nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na 19- anyos na lektor ng simbahan

May 30, 2025
Pagmaya breaks ground on 7-star resort in balabac, palawan
Provincial News

Barko ng atin ito, dumating sa el nido para sa ikatlong misyon sa wps

May 28, 2025
Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”
Police Report

Private chat confrontation ends in knife attack in narra, palawan

May 26, 2025
Next Post
One Palawan Movement: Mamimili sila ng boto sa plebisito

One Palawan Movement: Mamimili sila ng boto sa plebisito

Mag-aaral na IPs, mga magulang, naglabas ng hinaing ukol sa Modular Distance Learning

Mag-aaral na IPs, mga magulang, naglabas ng hinaing ukol sa Modular Distance Learning

Discussion about this post

Latest News

Ilang pastor nabiktima ng umanoy’y accommodation scam sa puerto princesa

Palawan eyes farm tourism as new path for rural prosperity

June 2, 2025
Ilang pastor nabiktima ng umanoy’y accommodation scam sa puerto princesa

Ilang pastor nabiktima ng umanoy’y accommodation scam sa puerto princesa

June 2, 2025
Filipino travelers enjoy growing access to visa-free destination in 2025

Nationwide mpox cases rise to 52; no infections reported in palawan

June 2, 2025
Filipino travelers enjoy growing access to visa-free destination in 2025

Winner! dswd, mglalaan ng p80,000 livelihood assistance pasa sa babaeng nakita sa imburnal sa makati

June 2, 2025
Filipino travelers enjoy growing access to visa-free destination in 2025

Binatilyo, kritikal matapos masaksak sa rambol ng mga kabataan sa puerto princesa

June 2, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14966 shares
    Share 5986 Tweet 3742
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11170 shares
    Share 4468 Tweet 2793
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10259 shares
    Share 4104 Tweet 2565
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9633 shares
    Share 3853 Tweet 2408
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8875 shares
    Share 3550 Tweet 2219
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing