ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Feature

Kakaibang kakayanan: dapat bang pasalamatan o katakutan?

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
November 2, 2020
in Feature
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Kakaibang kakayanan: dapat bang pasalamatan o katakutan?
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Minsan, sadyang may mga bagay na nangyayari sa mundong ibabaw na mahirap ipaliwanag, kahit ng siyensiya.

Isa sa mga ito ay ang di-pangkaraniwang kwento na ibinahagi ng isang Mass Communication graduate na kasalukuyang reporter ng isa sa mga himpilan ng radyo sa Lalawigan ng Palawan na si Robin James Sabuero o kilala rin bilang RJ na tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan at kakilala.

RelatedPosts

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan

Fueling survival in the last frontier

PalSU unveils P5-M petroleum research lab; first in PH to tackle drilling tech

“Simula bata pa po talaga ako, nakararamdam, nakaririnig at nakakikita na po talaga ako ng mga bagay na weird,” ang paunang kwento ni Sabuero.

Ang naalaala niyang kabilang sa mga matindi niyang karanasan ay noong nakakita siya ng babaeng nakaputi na nakalutang ngunit wala namang mukha. Ang nakatatakot pa umano ay waring kasabay niya ito habang naglalakad siya noong gabi rin na nakita niya ito nang mapadaan sa bahay ng kanyang kaklase na matagal na nilang inabanduna.

“Nakakakita rin ako ng naghuhukay pero di ko makita or maaninag ang mukha n’ya. Tapos noong sinabi ko sa nanay ko ‘yon para makita nila kung sino ‘yon, wala ng hukay at wala na ‘yong naghuhukay,” dagdag pa niya.

Minsan din umano, tuwing madaling araw ay nakaririnig  siya ng mga ingay mula sa mga boses na hindi niya nakikita kung saan nanggagaling. “As in nakapalibot sila sa akin palagi pero di ko nakikita. Tapos minsan may bubulong na di ko maintindihan, [mula sa] lalaki at babae.”

NAKITA ANG MAGAGANAP NA SUNOG

“Then di lang po ‘yon ‘yong na-experience ko. Dati kasi, parang 2008 ‘yon, nasunog po ‘yong maraming bahay sa liberty sa Brgy. Bagong-Sikat, nadamay din ang Brgy. Maunlad no’n. Bago mangyari ang sunog, nasabi ko na ‘yon sa nanay ko. Ginising ko s’ya then sinabi ko na  magkakasunog, [an] hour before mangyari,” ang pagpapatuloy pa ng kwento ni RJ.

Aniya, nagduda rin siya sa kanyang sarili sa nakita niyang pangitain sa kadahilanang wala namang naganap na sunog ng mga sandaling iyon. Ngunit maya-maya pa, nagulat na lamang umano silang lahat nang marami na ang nagtatakbuhan at sumisigaw ng “Sunog!”

“Dahil doon, unti-unti na ring naniwala sa ‘kin [ang] mga kapatid ko na may gano’n akong nae-exprerience,” aniya.

Makalipas pa umano ang maraming buwan ay may nakita na naman siyang pangitain na  bigla na lamang nagpakita sa kanyang isipan  na mayroong babaeng buntis na mamamatay noong gabing iyon. At kinabukasan, dakong 6 am ay may mga kwentu-kwentuhan ngang may yumaong buntis.

Ngunit minsan umano ay nagpapakita  sa kanya ang mga mangyayari–gising man siya o natutulog.

“May time pa na naglaro-laro lang kaming magkakaklase no’ng highschool, hula-hulaan, tapos nagtataka [ang] mga kaklase ko kasi alam ko talaga ‘yong backgrounds nila sa buhay. At alam ko kung ano ‘yong ginawa nila bago ‘yong time na nag-uusap kami,” ang pagbabalik-tanaw ni Sabuero.

NAWALA NG NAIIBANG KAKAYANAN

“[Pero] di ko alam kung magpapasalamat ba ako o manghihinayang, kasi dumating din sa time na nawala na siya,” aniya.

Aniya, simula nang mapalapit na siya  sa simbahan simula taong 2013 ay nawala na ang ganoon niyang kakayanan.

“Noong bago palang ako [sumali sa isang grupo] sa simbahan, may mga naramdaman na rin ako doon pero di ko na sila nakikita. May time pa na may bumabato sa ‘kin sa simbahan. Tuloy-tuloy lang ang bato kahit walang tao. May time pa na may sumabay sa ‘kin sa pagkanta habang nagre-record ako ng kanta ko sa kombento,” ani RJ.

“Pero unti-unti akong tumapang kasi ‘yon ang mga pangaral sa simbahan. After a year, wala na akong nai-encounter na gano’n,” kwento pa niya.

Sa kasalukuyan ay aktibong miyembro si RJ Sabuero ng Catholic Youth Movement (CYM), isang grupo na isa sa mga umaawit sa Immaculate Conception Cathedral Parish (ICCP). Miyembro rin siya ng ICCP Youth Ministry.

“Siguro, [one] year muna [ang lumipas] bago unti-unting nawala [ang mga kakaiba kong nararanasan].”

PAYO

Sa ngayon, isang payo na lamang ang ibinahagi ni Sabuero sa mga katulad niyang kabataan na may kahalintulad niyang kwento.

“Para po sa mga katulad ko na may ganitong experience, huwag pong magpadala sa takot tuwing magpaparamdam sila. Ipagdasal natin sila kasi baka mamaya, gano’n talaga ang kailangan nila. Dapat din talaga nating ipagdasal ‘yong mga kapatid nating nasa kabilang buhay na. Dapat na ipagpasalamat din natin sa Diyos ‘yong ganitong karanasan kasi somehow, eye opener ito na hindi laging dapat matakot kundi magmalasakit sa mga nagpapakita kung bakit nila ginagawa ‘yon. So, dasal talaga at para na rin makahingi ng guidance [mula sa Panginoon],” aniya.

Tags: dapat bang pasalamatan o katakutan?Robin James Sabuero
Share114Tweet72
ADVERTISEMENT
Previous Post

Wanted person dahil sa pagpalsipika sa pampublikong dokumento, nahuli sa Aborlan

Next Post

Tarabidan Sa Dang Maria, all set this Nov 6 – 8.

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan
Feature

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan

May 9, 2026
Fueling survival in the last frontier
Feature

Fueling survival in the last frontier

April 10, 2026
PalSU unveils P5-M petroleum research lab; first in PH to tackle drilling tech
City News

PalSU unveils P5-M petroleum research lab; first in PH to tackle drilling tech

March 27, 2026
Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa
Business

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

March 6, 2026
Maica Jeorge Rebusquillo, proud na ni-represent ang Palawan sa Tawag ng Tanghalan
Feature

Maica Jeorge Rebusquillo, proud na ni-represent ang Palawan sa Tawag ng Tanghalan

February 20, 2026
El Nido reminds tourists’ adherence to dress code in town areas following elders’ request
Feature

Boracay, Palawan, and Siargao among Asia’s Top Islands

October 18, 2025
Next Post
Tarabidan Sa Dang Maria, all set this Nov 6 – 8.

Tarabidan Sa Dang Maria, all set this Nov 6 - 8.

5 things to do while visiting Narra, Palawan

5 things to do while visiting Narra, Palawan

Discussion about this post

Latest News

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

May 15, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026
WPU strengthen ties with BFAR

WPU strengthen ties with BFAR

May 15, 2026
Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

May 15, 2026
DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

May 15, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15262 shares
    Share 6105 Tweet 3816
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11719 shares
    Share 4688 Tweet 2930
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10117 shares
    Share 4047 Tweet 2529
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9749 shares
    Share 3899 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing