Nilinaw ng Assistant City Health Officer ng Puerto Princesa at pinuno ng Incident Management Team (IMT) na si Dr. Dean Palanca na hindi pa pinapayagan ang contact sports gaya ng basketball sa kasalukyan.
“Hindi pa po pinapayagan ang mga contact sports po right now. Wala pa pong ibinababa ang ating national IATF na guidelines regarding po riyan,” ayon kay Dr. Palanca kasabay ng pagbibigay nila ng latest update sa COVID-19 case sa siyudad kahapon kung saan ay may isa na namang nagpositibo mula sa Brgy. Maunlad.
Pinasinungalingan niya ang ilang kumakalat sa social media na pinapayagan na ang paglalaro ng basketball.
“May nakita pa akong picture sa H. Mendoza ba ito o B. Mendoza? May nagba-basketball po riyan. So, ang barangay po riyan dapat nakamasid–bantayan ninyo ang inyong [mga] basketball court. Dapat lagyan n’yo ng pako ‘yan sa itaas,” ang naging atas ng chief ng City IMT sa concerned barangay.
Discussion about this post