Naging sentro ng talumpati ng isang konsehal sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang nagsulputang traffic signs sa Roxas Street.
Sa privilege speech ni Kgd. Herbert Dilig nitong Lunes, ipinakita niya ang magkakadikit na traffic signs sa Roxas Street. Ayon sa konsehal, tila hindi makatuwiran ang ginastos na pondo para sa proyekto. Sa napakaiksing parte lang kasi ng Roxas Street ay umabot umano ng 15 sign posts ang inilagay.
Para matukoy kung aling ahensiya ang nanguna sa paglalagay ng mga traffic signs, iminungkahi ni Dilig na imbitahan sa question hour sa susunod na lunes ang DPWH-Palawan 3rd District Engineering Office, City Traffic Management Office (CTMO) at City Engineering Office. Kabilang din sa mga aanyayahan ay ang mga may hawak ng Committee on Infrastructure ng Barangay Masigla, Kalipay, Prinsesa at Magkakaibigan na nakakasakop sa Roxas street.
Discussion about this post