Ang PPC-COVAC o Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council ang mag-aaral, magpaplano, magrerekomenda, makikipag-ugnayan sa mga supplier at magpapatupad ng COVID-19 vaccination sa lungsod.
“Meron na po ang [Lungsod ng] Puerto Princesa na COVAC, Corona Virus Vaccine na team [at] iba’t iba po yung kanilang delegation. Merong in-charge sa research at saka sa ating information dessimination, may in-charge sa vaccination activity at may in-charge sa procurement. Nahahati natin sa way na yan para lang ang function ay mapabilis,” ani Dr. Dean Palanca, City Incident Management Team Chief, Assistant City Health Officer at 1st Vice-Chairman for Medical Services ng PPC-COVAC.
January 4, 2021, inanunsyo ni Mayor Lucilo Bayron pagtabi ng P500M pondo para sa COVID-19 vaccine kasabay ng pagbuo sa PPC-COVAC.
Ayon kay Dr. Ricardo Panganiban, Chairman ng PPC-COVAC, base sa Executive Order no. 01 s. 2021 binubuo ang Council ng 16 na miyembro mula sa pribado at publikong sektor.
“May mga members to eh, nasa admin o kaya nasa legal, yung sa planning meron sa business, mayroon sa medical society, may DOH, may sa military. So well represented siya para kung may mga suggestion na manggagaling sa iba’t ibang sector, naipapasok kaagad doon [sa council meeting].”
Ipinaliwanag din niya na ang COVAC ay binubuo ng apat (4) na kumite; Research and Education, Procurement, Prioritization at Vaccination. At ang bawat isa ay may responsibilidad sa preparasyon na ginagawa ng lokal na gobyerno.
“Merong Research and Education Committee, itong kanyang task ay mag-aaral ng mga available na vaccine, yung safety niya, gaano siya ka-effective, saan siya nanggaling, [at] sino gumawa nu’n yung mga yun.”
“Procurement [Committee]. Yung task naman niya eh siya syempre yung gagawa ng paraan para makakuha tayo [kasama din sa budget yung task and], at the same time, siya din yung didiskarte kung paano tayo makakuha [ng vaccine].”
“Then meron yung Prioritization Committee ito naman yung nag-aaral o yung mag-a-advice sa council kung sino yung uunahin [bigyan ng bakuna].”
“Then yung last [ay] yung mismong sa proper Vaccination. Ito naman yung grupo na syempre sila yung mag-i-implement ng mismong vaccination program.”
Samantala, nakapagbigay na ng suhestyong bakuna na bibilhin ang Research and Education Committee kaya’t ngayon ang Procurement Committee ang kumikilos upang makabili na ng bakuna kontra COVID-19. At ang Vaccination Committee naman ay naghahanda na rin para sa magiging paraan ng pagbabakuna upang maipamahagi na ito sa lalong madaling panahon kung sakaling makabili na ng COVID-19 vaccine.
“Yung pinakamay trabaho ngayon [ay] yung Procurement [Committee] kasi siya yung didiskarte kung paano makabili… Kasi yung Research naman nakapagbigay na rin po sila [ng listahan ng mga bakuna]… na pagpipilian natin.”
“Yung Vaccination Committee naman, syempre mag-aantay na lang din kami. Although, nagpaplano na rin kami ng gagawin… Bago yun dumating, magpre-prepare na kami kasi pagdating nun [ay] hindi tayo pwedeng maghintay ng matagal bago natin ipamigay.”
Discussion about this post