Opisyal nang nanungkulan si Dr. Arnie Ventura bilang Officer-In-Charge Schools Division Superintendent (OIC-SDS) ng Department of Education Palawan. Pansamantalang gagampanan nito ang mga tungkulin ng ngayo’y suspended SDS na si Dr. Natividad Bayubay.
Si Dr. Arnie Ventura ay nagmula sa Munisipyo ng Sablyan, Occidental Mindoro. Dati itong nagturo sa lugar at naging school head ng dalawang national schools hanggang maitalaga bilang Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) ng Occidental Mindoro.
Noong nakaraang taon October 28 ay na-designate siya ng DepEd bilang OIC sa opisina ng SDS dito sa lalawigan ng Palwan.
Ipinapangako naman nito na huhusayan ang paglilingkod bilang pansamantalang caretaker ng Schools Division of Palawan.
“Sa maikli pong panahon ay tila ipinagkatiwala po sa akin ng Department of Education [ang posisyon na ito]. Asahan niyo po na gagawin ko po yung kahusayan, katinuan, kabutihan at katapatan ang paglilingkod po sa Department of Education dito po sa Schools Division ng Palawan.”
“Hayaan niyo pong ang aking malaking puso at serbisyo para po sa kabataang Palaweño kung paano po ako naglingkod sa akin pong lalawigan sa Occidental Mindoro [ay] mas dodoblehin ko po ang paglilingkod na gagawin ko dito po sa Schools Division ng Palawan.”
Samanatala, kasalukuyan niya nang ginagampanan ang bagong responsibilidad habang siya ay naka-quarantine sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Matatandaan noong nakaraang buwan ay inilabas ng DepEd ang 90-day preventive suspension laban kay Dr. Natividad Bayubay na nahaharap sa patong-patong na kaso. Kamakailan naman ay umingay ang pangalan nito matapos na lumabag sa quarantine protocols nang ito ay dumating sa Lungsod ng Puerto Princesa lulan ng private plane ni Palawan Governor Jose Chaves Alvarez.
Discussion about this post