Sinagot ni Puerto Princesa City Administrator Atty. Arnel Pedrosa ang sinasabi ng ilang mga manininda na biglaan ang pagpapaalis sa kanilang mga puwesto sa New Public Market, Barangay San Jose, Puerto Princesa City.
“As of last year meron nang ganung mga paabiso. Bale ang una nating pinaalis diyan ay yung mga nagtitinda ng mga halaman tapos sila mismo alam na nila kasi minsan nagtatanong din sila sa akin. Sabi ko sooner or later talagang palilipatin kayo dahil magtatayo ng bagong market dito” ani Pedrosa.
Nilinaw din nito na may inilaan na lugar sa Barangay Irawan para sa mga naapektuhang manininda.
“We are offering them yung bagsakan sa Irawan nire-ready naman yun kung magmamanifest sila ng kanilang interes na gusto nila na doon sila malipat… Gagawan ng paraan para yung daanan ay matambakan para hindi naman maging maputik. Pero yung area mismo ay okay siya.”
Dagdag pa ni Pedrosa na positibo ang tugon ng mga opisyales at mga manininda sa kanilang inaalok na lilipatang lugar.
“Kausap natin yung kanilang presidente diyan sa new market yung vendors association diyan. Ang sabi naman natin binigyan ng instruction last time na makipag-ugnayan lamang kay Mr. Joseph Vincent Carpio para sa kaukulang paglilipat o aksyon para maiayos din yung paglalagyan sa kanila…Kahapon nagkausap kami kasama naman yung opisyales ng vendors association diyan sa new market pumayag naman sila. In the mean time na hindi pa masyadong kilala o hindi pa masyadong nalalaman nung taumbayan na merong bagsakan doon sa Irawan ay ililibre na muna ng city government yung bayad doon sa lugar.”
Discussion about this post