Ikinumpara ng Hepe ng Palawan Police Provincial Office (PPO) ang naitatalang krimen sa Palawan sa dati nitong assignment sa Kamuning, Quezon City. Masasabi umano niya na ang Palawan ay mapayapa kung ikukumpara sa ibang lugar bansa.
“Sa peace and order naman po, ang Palawan kung anong level? Actually, alam nyo po I was assigned in Kamuning Police Station way back 2003, Kamuning Police station is in Quezon City. Alam nyo po, yung 1 week na crime stat ng Kamuning I could proudly say that walang-wala sa monthly crime stat ng buong Palawan. Ang ibig sabihin nito napaka-peaceful ng Palawan comparing of all statistics na nangyayari po sa ibang lugar sa ating bansa and let’s keep it as is,” Pahayag ni Police Colonel Frederick Obar, Provincial Police Director.
Dagdag pa ni Col. Obar, maganda ang relasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa lalawigan kaya napapanatili ang kaayusan at katahimikan.
“Kasi ang isang nakita ko rito ay ang malakas na pagsasamahan ng ating kasundaluhan, ng pulisya, gobyerno at ng simbahan let’s keep it as is. Let’s work together.“
Isa rin umano sa tinututukan ng Provincial PNP sa ngayon ay ang kampanya laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng kanilang mga operasyon laban sa mga taong sangkot dito.
“Of course mayroon pa rin tayong compliance sa taas like we have to work double time on anti-illegal drugs so yun po yung tinututukan ngayon as well as of course yung mga manaka-nakang kaso ng mga pagpatay dito sa Palawan. Makikita nyo po panay-panay din po ang operations natin sa 9165 or sa anti-illegal drugs kaya we been gaining grounds. Nakikita nyo naman po yung mga report namin sa media kung gaanu kadami yung ating mga ginagawa sa neutralization as well as doon po sa proactive measures na ginagawa po natin para hindi na tayo pumunta doon sa neutralization,”
Binanggit din ng hepe na hindi lamang panghuhuli ang kanilang ginagawa kundi maging ang pagbibigay tulong sa mga indibidwal na nais magbagong buhay matapos maligaw ng landas dahil sa bawal na gamot.
“Just would like to point it out yun pong mga programa natin na wellness program, mga proactive so mayroon po tayo mass-surrenderees. Tinuturuan po natin sila and pagkatapos po natin silang maturuan, ma-rehab po natin sila and then we incorporate them back to the community, because in the end of the day they are part of the community,”
“Sabi ko nga palagi, the problem of drug enforcement or the problem on drugs is about the problem of the family, bago naging adik yung isang tao nagsimula muna yan sa isang magulong pamilya o sa isang pamilya na hindi masyadong maganda yung pamamalakad o dysfunctional families and then napunta sa kalsada at yun ngayon yung problema ng pulis,”
Discussion about this post