Inaprubahan ng National Inter-Agency Task Force (IATF) kahapon, Pebrero 26, ang unified travel protocols para sa lahat ng Local Government Units.
Ayon sa inilabas na statement ng National Task Force Against COVID-19, hindi na kailangan sumailalim ng Reverse Trascription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga bumabiyahe maliban lang kung ito ay gawing requirement ng isang LGU bago makabiyahe patungo sa kanilang lugar.
Dagdag pa nito, hindi na rin kailangan pang sumailalim sa pag-quarantine ang isang indibidwal bukod doon sa mga makikitaan ng sintomas pagdating sa patutunguhan. At hindi na rin kinakailangan ng travel authority at health certificates.
Ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) naman ay kailangang magpakita ng kaukulang dokumento tulad ng identification card, travel order at travel itinerary at pumasa sa symptom-screening sa ‘ports of entry and exit.
‘Mandatory din umano ang pagdaan sa isang medical health assessment ang mga pasaherong darating at aalis sa isang lugar.Ipagpapatuloy umano ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards tulad ng social distancing at pagsuot ng facemask at face shield.
At inaasahan na ang Department for Interior Local Government (DILG), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST), Philippine National Police (PNP) at mga LGU ay mag-uugnayan para sa maayos na pagpapatupad ng mga protocol na ito.
Source: Office of the Presidential Spokesperson
Discussion about this post