Inaabangan ng maraming Palaweño ang nakatakdang pagpapailaw ng mga LED lights na ikinabit sa mga puno ng acacia sa Brgy. Inagawan Sub, Puerto Princesa City ngayong Linggo ng gabi, Marso 7, 2021. Nagpaalala naman ang Puerto Princesa City Government na maghihigpit sila sa mga dadalo sa nasabing aktibidad dahil pinapairal pa rin ang health at safety protocols kontra COVID-19.
“Yung magpa-participate lang talaga is yung mga bikers. Mayroong registration kasi ina-avoid natin yung maraming tao. So yung activity lang doon yung magba-bike ay kailangan magpa-register. So bukas may registration diyan sa may Agricultural Center diyan sa may Irawan at alam ko as early as 3:00 o’clock mag-start na sila ng registration or 2:00 o’clock so yun ang mga inaasahan natin na nandoon. Then yung mga taga-doon [Inagawan-Sub] ok lang naman pumunta pero siguruhin lang na ipapatupad pa rin natin yung physical distancing pagdating doon sa area at pagsusuot ng facemask at faceshield.”
Dagdag pa ni CIO Ligad, kahit pangunahing daanan umano ng mga motorista ang pagdarausan ng nasabing aktibidad at posibleng hindi makontrol ang pagdagsa ng maraming tao ay masisiguro pa rin umano ng City Government ang pagpapatupad ng minimum health protocols.
“Ok lang naman, nandoon naman yung apat (4) na mga COVID-19 Marshalls sa mga barangay na nakakasakop doon. So talagang sisiguraduhin din nila na maipapatupad yung social distancing. So kung kayo ay pupunta doon siguraduhin niyo lang po na magdadala parin po kayo ng face mask at face shield at ipapatupad natin ang social distancing.”
Discussion about this post