Isang magsasaka mula sa San Lorenzo, Poblacion sa Bayan ng Taytay ang pabor na hatiin ang Palawan sa tatlong Lalawigan.
Ayon kay Celistino Perialde, 67 anyos, boto siyang mahati sa tatlo ang Palawan sa kadahilanang mapapalapit umano sa bayan ng Taytay ang mga opisina o sangay ng gobyerno na anya ay wala sa ngayon sa munisipyo.
Sinabi rin nyang sa pagbubukas ng mga opisina sa magiging Kapitolyo ng Palawan Del Norte mas marami umanong mga kabataan ang magkakaroon ng trabaho at hindi na malalayo sa kanilang mga mahal sa buhay upang makipagsapalaran sa mga malalayong siyudad sa bansa.
Si Tatay Celistino at ang kanyang asawa ay tubong Taytay. Dito na siya lumaki at bumuo ng pamilya. Ang tanging kinabubuhay nilang mag-asawa ay ang pagsasaka habang ang kanilang mga anak ay may kanya-kanya nang pamilya.
Discussion about this post