“Hindi naman ang Pamahalaang Panlalawigan ang natalo. Ang natalo rito ay taong bayan,”
Ito ang tinuran ni Palawan Governor Jose Chaves Alvarez sa isinagawang ‘Pakimanan ta si Gob.’ noong Lunes, Marso 15, 2021 sa gusaling kapitolyo kaugnay sa resulta ng botohan para sa plebisito kaugnay ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya.
“Ibinigay natin ang panukala na sana mapaganda ang takbo ng pag-gobyerno sa buong lalawigan ngunit hindi tinanggap ang panukala, so yung ‘No’ ay nagwagi sa numero ngunit yung tukoy naman nung 11259 at kapakanan talaga ng bayan kaya lang siyempre nananaig yung ‘No’ sa plebisito. So yung batas 11259 isasantabi yan na parang walang nangyari,”
“Hindi po ang Pamahalaang Panlalawigan ang natalo, natalo ang sambayanang Palaweño dahil itong batas na ito ay para sa kanila ngunit hindi tinanggap.”
Dagdag pa ng Gobernador, layunin umano ng Republic Act. No.11259 na mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan at hindi sa mga nanunungkulan sa lalawigan.
“Hindi ito ginawa para sa kapakanan ng Pamahalaang Panlalawigan, ginawa ito para sa kapakanan ng taong bayan ng buong Palawan. Nanaig ang ‘No’, isasantabi ang batas patuloy tayo sa paglilingkod na buong yung Palawan, walang pagbabago.”
Ayon naman kay Atty. Grizelda ‘Gertie’ Mayo-Anda ng Save Palawan Movement at isa sa nanguna na nangampanya ng ‘No’ sa paghahati ng Palawan. Ang panalo ng kanilang grupo ay panalo ng taong bayan dahil wala aniyang kongkretong plano ang Pamahalaang Panlalawigan kapag naisakatuparan ang pagsusulong nito kundi ang makikinabang lamang aniya ay iilang politiko.
“Ang pagkapanalo ng ‘No’, para yun sa taong bayan, kasi sa sinasabi ko nga dahil sa walang pag-aaaral at malawakang konsultasyon hindi mo napatunayan na yung paghahati ay para sa mga mamamayan kundi para sa politiko,”
“Mawalang galang na po pero pang-politikang agenda siya, kung wala kang pag-aaral di mo pinakita kung papaano kikita yung tatlong probinsya (at) mamamayan,”
Kahapon, Marso 16, 2021 sa kabila ng hindi pa dumating na Certificate of Canvas mula sa Bayan ng Kalayaan, idineklara nang panalo ng Provincial Board of Canvassers ang botong “NO” na nakakuha ng 172,304 na boto habang ang ‘Yes’ naman ay may nakuhang 122,223 na boto matapos bilangin ang 22 Municipal Certificate of Canvas of Votes (MCOCV) at nakita na hindi makakaapekto sa lamang ng ‘No’ ang mga boto na manggagaling sa bayan ng Kalayaan.
Discussion about this post